Showing posts with label kuya keith. Show all posts
Showing posts with label kuya keith. Show all posts

Monday, March 18, 2013

Mapapasayo..


"Pards, magising ka na sa katotohanan. Hindi lahat ng mahal o gusto mo, MAPAPASAYO! Edi sana syota ko na si Jessica Alba, Scarlett Johansson at Angelina Jolie ngayon. E gusto ko ang mga yun e!"
 - Kuya Keith

Tuesday, May 8, 2012

Blanko




Buti pa ang buko, may laman at sabaw. Ang isip ko, ngayon ay wala.



Lahat yata ng manunulat naranasan na ito.Yun tipong kahit anong piga pa ang gawin ko sa kokote ko e wala akong maisip na isulat. O kaya meron akong ideyang gustong ibahagi pero hindi ko alam kung paano sisimulan.

Ano nga ba ang dapat gawin kapag nararanasan ito?

Sunday, September 18, 2011

Makulay na Hapunan

Makulay ang Pagkain sa Burgoo. Di ko inaasahan na ang pagkain namin  ni Cookie dito ay makatutulong upang mailabas ang aming naitatagong talento sa pagguhit at pagkulay.

Pag-upo pa lamang ay agad kaming inalok ng isang lalagyan na puno ng Krayola. At dahil sa bibo kaming dalawa, di kami nagdalawang isip pa na gumuhit at magkulay. Halos nakalimutan na din namin na ibigay ang aming order dahil  sa sobrang tuwa at libang sa mga krayolang nakalatag sa aming harapan. Matagal na  din kasi kaming hindi nakapagguhit at kulay. Marahil ang huli ay noong nasa hayskul pa ako.

Ito ang  aming mga gawa habang naghihintay nang pagkain.

Si Cookie habang nagguguhit at naggkukulay.



Ang kanyang Likha


Ito naman ang aking work-of-art




Saturday, September 17, 2011

Mas Mayaman Pa Ang Pulubi Sa Akin

[beg.jpg]
imahe mula sa loveadriano.blogspot.com

Tuwing umaga papuntang area (assigned territory) ay lagi kong nakikita ang pulubing naglilimos sa sakayan ng Jeep sa C5. Siya ay matandang lalaki. May matiponong katawan para sa isang pulubi. Meron itong tattoo sa braso, di ko maalala yun imahe. Nakasaklay dahil hirap na siyang lumakad. Meron din siyang salamin dahil malabo na ang kanyang mga mata. Suot niya ang kanyang itim na belt bag kung saan nakapaloob ang walang laman na dalawang cup noodle. Dito inilalagay ng matanda ang kanyang mga nahihinging barya. Ang isa ay para sa mga tigpipiso at limang piso at ang isa pa ay para sa mga tigbebente-singko.

Bigla kong naalala ang matandang ito nang natanggap ko ang bill ng aking credit card.  Hindi ko kasi alam kung papaano ko lilimusin sa aking nanay ang mga pambayad sa mga kautangan. Alam ko namang hindi niya ako bibigyan ng pera. Dahil sa mula nang nagtrabaho ako ay ako na ang gumagastos para sa aking mga pangangailangan. 

Pansamantala akong nainggit sa matandang pulubi. Buti pa siya ay walang problema sa pamasahe at damit dahil wala naman siyang trabaho. Hindi niya naiisip ang gastos sa kuryente at tubig dahil wala naman siyang bahay. Hindi rin siya nababahala sa kanyang pagkain dahil sigurado siyang merong suking pasahero na magbibigay sa kanya. Mabuti pa ang matandang pulubi zero lang, ako negative pa. Kung sakaling may maglimos sa kanya ng sampung piso sa mga oras na ito, malamang mas mayaman pa siya ngayon sa akin nang Php**,*10.00

Friday, September 16, 2011

Kapag Magmamahal..

"Kapag magmamahal, tama lang na ibigay ang lahat para mapasaya siya. Ngunit huwag mong hayaang umikot ang mundo mo sa tao at hindi sa pagmamahal. Dahil  kapag nawala siya, walang matitira sa iyo. Para nang gumuho ang mundo mo."
-Kuya Keith

Si Kuya Keith ay Tinatamad :|

larawan mula sa google images

Dumating na ba kayo sa punto ng buhay kung saan parang nakakatamad magtrabaho o kumilos? Wala kang gana gawin ang mga dapat tapusin. Yun tipong gusto mo na lang dumaan at matapos ang araw. Nagtanong ka na ba sa sarili mo nang "Bakit ganto nanaman?'? O bigla ka na lang ba napasabi nang 'Hay..'? Nagsasawa sa paulit-ulit na gawain at pamumuhay. Nakumpara mo na ba ang iyong trabaho, sa pinaka ayaw mong subject sa klase noong nag-aaral ka pa? Yun tipong magka-cutting class ka kasi Math nanaman? O di kaya ay nalulungkot ka dahil sa lunes na ulit?

Kung isa dito ay naranasan n'yo na. Ano ang mga dapat isipin at gawin upang palitan at gawing positibo ang mga ito? Pasensya na ngunit si Kuya Keith ay tinatamad ngayong gabi.

Saturday, September 3, 2011

Telenobela

***
Ikaw ang  bida sa sarili mong telenobela
Sa kwentong ikaw ang nakakaalam ng simula.
Ikaw ang direktor ng sarili mong telenobela
Sa istoryang hindi alam ang magandang katapusan.
Ikaw ang nagset-up ng mga props at kamera
Sa location  na tinatawag mong iyong talambuhay.
Ikaw ang scriptwriter ng sarili mong telenobela.
Sa nabuong masaya at nakakakilig na istorya
Ikaw ang bida sa sarili mong  telenobela
At sana ako naman ang iyong leading man

***

Nagpapacute kay Cookie,


Kuya Keith

Friday, September 2, 2011

Minadaling Panahon

Noong ikaw ay nasa elementarya ay hinangad mo nang makatungtong ng hayskul. Nahilig ka sa mga love song at inaalay ang mga kantang ito sa iyong crush. Inisip mo na ang iyong mga kaibigan ay makakasama habang buhay. Nanonood ka na nang mga palabas sa telebisyon na pang binata at dalaga tulad ng TGIS at GIMIK, meron ding Berks.

Noong ikaw ay nasa hayskul ay nais mong makatapos agad at magkolehiyo, dito ay naglilihim ka sa iyong mga magulang na ikaw ay may kasintahan na. Nagsimula kang magcutting classes dahil iniisip mo na buti pa sa kolehiyo hindi buong araw ang klase. Sumubok ka na rin magyosi at uminom ng alak. Nasiyahan ka sa mga barkada sa mga texts at chat. Nakikipag-eyeball para mas dumami ang mga kaibigan. Sumubok ka na din maglaro ng apoy.

Kay Tulin ng Panahon

Nagsimula na ang BER months, ibig sabihin ay magpapasko na. Napakabilis nga naman nang panahon. Hindi ko namalayan na september na ulit. Parang ilang tulog na lang at mag2012 na. Sa mga clinics nga ng aking mga doktor (clients), ay nagsisimula na silang maglagay ng mga dekorasyong pampasko. Ganun din sa mga malls. Sa SM Manila nga ay may 3day sale na agad.

Sa pagpasok ng 2011 ay marami tayong nilistang mga di magandang asal at gawain upang baguhin. Tinatawag natin yun na 'New Year's Resolution' di ba? Sa tingin ninyo, nagawa n'yo na ba ang listahan nang mga nais ninyong mabago hanggang sa panahon na ito? Kung hindi pa ay may natitira ka pang 4 na BER months para simulan ito.

***

Naniniwala ba kayo na katapusan na nang mundo sa 2012? Ako hindi ganun din ang batang naglalaro sa labas ng aming bahay. Sabi niya, hindi pa mageEnd ang mundo sa 2012, kasi ang corned beef nila sa 2013 pa ang expiration.

Matalinong bata. May punto naman siya diba?



Nagmumunimuni,

Kuya Keith

Friday, August 26, 2011

Kung Naging Ate si Kuya Keith?

Minsan, naisip kong maging babae. Hindi dahil sa nababading ako o di kaya'y gusto kong maranasan magka-monthly period at magbuntis. Kundi dahil nais kong malaman ang kanilang mga nararamdaman. Kung paano sila magselos? Kung paano magtampo at magalit? Kung kailan sila nagiging masaya? Kung kailan sila nagiging malungkot? Kung paano at saan sila kinikilig? Sa ganun paraan, ay mas maiintindihan ko sila. At mas magagawa kong maging isang mabuting lalake para sa kanila.

Pinoy sa Labas ng Pinas

"Isang masakit na katotohanan: 
Ang PINOY pagwala sa PINAS ay may DISIPLINA..
Kung pwede ko lang ilipat ang buong PILIPINAS sa ibang bansa. "
-Kuya Keith


Kasya naman ang pinas sa Amerika di ba?



Tuesday, August 23, 2011

UFO daw oh..

Isang nakakatuwang usapan mula sa medical mission namin kanina kasama si Boss at si Doc Jed.

Habang nagsusulat ay napansin  ni Doc Jed ang relo ng aking Boss.

Doc Jed:  Ganda nyan ha?
Boss: Di naman doc. May nagbigay lang.
Kuya Keith: Yes Doc, pamana yan. Rich kid e.
Doc Jed: Galing  sa GF mo?
Boss: Di po doctor. May nagdonate lang na kamag-anak (habang inaabot ang relo kay Doc Jed para makilatis)
Doc Jed: Ganda ha. Mabigat yata? Di ka nangangalay?
Boss: Di naman po Doc. Gawa  po yan  sa Tungsten kaya mabigat
Kuya Keith: Sir, di ba yun ang metal na ginagamit sa paggawa ng eroplano? (nagtanong para may talking  point naman ako sa kanila)
Boss: Oo, yun ang ginagamit ng NASA sa paggawa ng UFO.

:) UFO daw oh. Nagulat talaga ako dun kanina. Di ko nalang pinahalata, nakakahiya kasi sa boss ko. 

Siguro ang nasa isip ni boss Aircraft ng NASA.  

Akala ko may alam na sya about UFO. 

Kung ibenta ko kaya siya sa gobyerno, ikakayaman ko kaya?

Monday, August 22, 2011

Kwento: Nasaan si Maria Clara ng ating Panahon?

Hindi ko akalain na makakapasok ako sa lugar na iyon. Madilim, mausok, magulo at maingay.

Source: http://digitalphotographer.com.ph/forum/showthread.php?p=1002916

Matapos bigyan ng parangal sa mahusay ng pagbebbenta ng aming produkto. Kasama ang aking mga katrabaho ay dinala kami ng aming mga boss sa isang bar sa Roxas Blvd. Doon daw kami ay magsasaya at magiinuman. Sinabi nila sa amin, doon daw ay may nagsasayaw nang nakahubad. Kitang kita ko sa mukha ni Joyce at Ellen ang kaba ng bumaba sila sa sasakyan. Naka-Cocktail dress kasi sila dahil sa yun ang tema ng awards night. Ibinigay ko ay Ellen ang jacket ko upang maitago ang kanyang suot na sleeveless gown. Natatakot ako na baka mabastos ang dalawa sa lugar na iyon.

Dinala kami ng waiter sa lamesang malapit sa enntablado. May mga babaeng naka gown din at parang mga modelang rumarampa. Kitang kita ang makikinis na mga balat na parang sa mga mayaman. Mali yata ako pagkakaintindi sa lugar na iyon sa ganun pagkakataon, akala ko ay may mga babaeng naghuhubad at nagsasayaw.

Tumunog ang serena mula sa stage. Akala ko ay may sunog o emergency. Isa-isa nang naglalabasan ang babaeng kanina'y magaganda ang mga damit. Wala na itong mga saplot at sumasayaw na walang emosyon. Kitang-kita ko ang hiya ng mga babae habang sumasayaw. Pare-pareho ang  itsura ng mga mukha nito, malungkot at mukhang nahihirapan.

Pansamantala akong napatiitig sa mga katawang nagsasayawan. Iba-iba pala ang mga itsura ng mga parte ng katawan ng babae. May mga boobs na matataas at mabababa. May malaki at meron ding maliit. May nipple na pink at meron ding mas maitim. Tunay na lalaki nga ako, pansamantala kong nakalimutang kasama namin si Joyce at Ellen.

Lumingon ako sa kaliwa. Nakita ko si Ellen na natatawa. Bumulong ito sa akin, bakit daw maitim ang pwet ng isa. May eyebbag daw. Sa aking kanan naman ay nakaupo si Joyce, malungkot ito at di makatingin sa entablado. Sa halip ay naglaro na lang ng Angry Birds sa dala nitong iTouch.

Natapos ang palabas at kami ay niyayang umuwi. Akala ko ay maeenjoy ko ang lugar na iyon ngunit hindi pala. Umuwi akong mabigat ang aking kalooban. Bigla ko tuloy naalala ang dalawang importanntenng babae sa buhay ko. Ang aking ina at si Cookie. Matapos ang pangyayaring iyon, ay nangako ako sa aking sarili. Mula ngayon, Ako, si Kuya Keith, ay rerespeto at gagalang sa kababaihang Pilipino.

Sunday, August 21, 2011

BOOM!!!


Ang pagpopost sa mga social network sites ay may nararapat na pagiingat.
(Advice mula kay Kuya Keith)


Ito ay post ng isa sa aking mga pinsan sa Facebook.com



Thursday, August 18, 2011

Si Mama, Bumabanat din!

Habang  nanood ng TV sa sala..
Keith: Mahal, ano ang English ng 'retoke'? 
OTC:  Hmmm.. Hindi ko po alam.
Biglang may sumigaw mula sa kusina.

Inggit

"Ang inggit ay parang kanser. Meron itong tumor na patuloy lumalaki habang unti-unti kang pinapatay. Ito ay nagdudulot ng hiya sa sarili na siyang papatay sa iyong ispiritu. Hahayaan ka nitong gumawa ng mga bagay, hibang, masama, baliw, upang ikaw ay maging katanggap-tanggap." - Kuya Keith

Wednesday, August 17, 2011

Ang Kwento ni Kuya Kool

Si Kuya Kool ay ang aking nakakabatang kapatid. Siya ay matipuno at may kagwapuhan. Ang taas niya ay flat 6'. May katamtamang laki ng katawan. Hindi siya maputi at hindi rin siya maitim tulad ko. S'ya ang nagmana talaga kay papa.

Si Kuya Kool ay dalawampu't isang taong gulang na. Kasalukuuyang nag-aaral at merong kasintahan, Jessica ang pangalan. Si Jessica ay magandang bata. payat, tama lang ang tangkad para sa babaeng Pilipina. Kayumanggi ang kulay. Black Beauty sa madaling salita. Si Jessica ay matalino din. Tapos sa kolehiyo at kasalukuyang nagtratrabaho. Siya ay talagang matiyaga at mapagpasensya.

Apat na taon ang agwat namin ni Kuya Kool. Mas matanda ako kaya ako ang  nagtuturo sa kanya sa eskwela noong  mga bata pa kami. Hindi siya magaling sa klase pero may tiyaga naman...

Tuesday, August 16, 2011

Baluktot na Pagiisip

"Walang mabuting pagbabago kahit ilang beses mo pang ituro ang tama sa mali at ipakita ang daan patungo sa tuwid na landas kung baluktot naman ang pag-iisip!" - Kuya Keith

Lipas ng Panahon


Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang 'Buwan ng Wika' Ito ay upang bigyan ng pagpapahalaga ang ating sariling wika. Ang wikang Filipino.

Maraming Pilipino ang tila nakalimot na sa tamang paggamit ng ating pambansang wika. Para bang ang Wika  natin ay lipas na ng Panahon. Jejemon at CoƱotics na daw ang uso ngayon.

Sa panahong ito, katangap-tangap na ang pagsasalita ng 'bilingual'. Ito ay ang kakayahan ng isang tao na

Sunday, August 14, 2011

Walang Trabaho

"Kung nahihirapan kang humanap ng trabaho. Huwag mong sisihin ang paaralan mo, mga guro mo, ang mga magulang mo, ang gobyerno, ang presidente ng pilipinas at kung sino-sino pa kundi ang sarili mo. Kung nagsumikap ka lang nung nag-aaral ka pa, edi sana'y naging handa ka para makipagsabayan sa iba pang mga taong nagsikap at nagsipag nun sila ay nasa kolehiyo pa." - Kuya Keith

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...