Saturday, October 20, 2012

BESTs

Sabi nila kung stress ka at nalulungkot, Mag-shopping ka. Bigla kong naisip. Di ko pala kailangan magShopping dahil masaya akong araw-araw kasama ang pamilya ko, mga kamag-anak, si Cookie, mga kaibigan, at mga katrabaho ko. Higit sa lahat, kaya ko pa rin bilhin ang mga gusto ko. Thank you Lord! Sa mga blessings at pagbibigay ng mga bests sa buhay ko :) Bilang kapalit, ieEnjoy ko ang bawat oras kasama ang mga bests na ito. Minsan lang kaya tayo mabuhay. :) 

Kayo? Sino at Ano mga BESTs sa buhay nyo?

Wednesday, October 17, 2012

Rewards

Image from rewardsandculture.wordpress.com
Hindi maikakaila sa atin na GUSTO natin ng mga REWARDS. Lahat nang bagay na gagawin natin basta merong Rewards, mas ganadong gawin. Earthly rewards man yan o Eternal rewards.

Pero may nakapagsabi sakin na hindi lang mga Rewards ang bagay na nakatulong na magmotivate sa atin. Meron ding tinatawag na Punishment. Itong dalawang bagay na ito ang pinakamabisang motibasyon sa mundo.

Noong bata pa ako, hindi ko talaga gusto pumasok sa eskwelahan. Ibat-ibang paraan ginagawa ko makaliban lang ako sa klase. Nagtutulog-tulugan sa pagligo sa umaga, tinatagalan ang pagkain ng almusal, kahit sa pagtutoothbrush at pagsusuot ng medyas maiwan lang ako ng school service. Pero mas inagahan lang ni Mama ang paggising sakin para hindi ako malate, sa madaling salita hindi effective. Pero hindi parin dun natatapos ang mga diskarte ko. Kahit papano e lumulusot pa rin ang walang tigil na pag-iyak. Yun tipong akala mo namatayan ako ng kapamilya. Syempre, acting lang lahat yun, Exaggerated lang ba. Naisip ko na din na maglagay ng sibuyas sa kili-kili, kunyari may sakit. Ngunit isang balde pa ng luha at katakutan pa ako ng aswang, hindi hindi pa rin ako manalo-nalo kay mama dahil sa PUNISHMENT. Kung di ako papasok, Walang TV, di pwedeng lumabas ng bahay at kailangang matulog sa tanghali. At dahil sa mga punishments na ito, KAILANGAN kong pumasok.

Nabago ang lahat ng makilala ko ang mga barkada ko. Si Ryan, Baby at Manille. Lagi kaming magkakasamang apat. Magkakatabi sa upuan pag walang guro, sabay kakain tuwing break at maglalaro ng patintero at black 123.

Matatalino ang tatlo, kahit pa hindi masyadong nag-aaral e para bang lagi silang nasa Honors. at sa aming apat, ako lang ang palaging walang awards. Dito ako nagsimulang magbago. Excited na ako pumasok sa eskwelahan dahil alam kong nandun din silang tatlo at maglalaro kami. Nagsimula na rin akong magseryoso sa pag-aaral dahil nahihiya ako sa kanila. Baka isipin nilang meron silang kaibigan bobo.  Yun dating ayaw kong pumasok, nabago nang dahil sa REWARDS. At ang mga kaibigan ko rewards ko. 

Monday, October 15, 2012

Gusot Mayaman

Sa apat na taon ko sa kumpanya, ngayon lang kami nabigyan nang uniporme. Tatlo pa, at puro GUSOT MAYAMAN.

Habang sinusukatan kami ng uniporme ay napagusapan namin ang aming mga prinsipal mula sa Japan. Japanese ophthalmic drugs kasi ang mga produktong ibinebenta namin. Sa ngayon, kami ay nasa ilalim ng isang malaking distribyutor sa ating bansa.

Nagtanong daw ang Regional Manager namin sa salary nang mga medreps. Sinabi ni boss na 10,000. Nagtanong ulit si prinsipal kung kaysa ba talaga sa aming mga medrep ang $10,000 na salary. Sagot ni boss, Php10,000 ang salary namin hindi $10,000.

At dahil dito, nangako ang prinsipal na bibigyan kami ng salary increase nang $10,000 mula sa P10,000 sa susunod na piskal year. Yey! Kung ang palitan ay $1=Php41, magiging Php41,000 na ang basic pay ko mula Abril ng 2013. :)

Hindi ko na mahintay. Masaya pa to sa Christmas bonus. Thank you Lord!!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...