Wednesday, October 17, 2012

Rewards

Image from rewardsandculture.wordpress.com
Hindi maikakaila sa atin na GUSTO natin ng mga REWARDS. Lahat nang bagay na gagawin natin basta merong Rewards, mas ganadong gawin. Earthly rewards man yan o Eternal rewards.

Pero may nakapagsabi sakin na hindi lang mga Rewards ang bagay na nakatulong na magmotivate sa atin. Meron ding tinatawag na Punishment. Itong dalawang bagay na ito ang pinakamabisang motibasyon sa mundo.

Noong bata pa ako, hindi ko talaga gusto pumasok sa eskwelahan. Ibat-ibang paraan ginagawa ko makaliban lang ako sa klase. Nagtutulog-tulugan sa pagligo sa umaga, tinatagalan ang pagkain ng almusal, kahit sa pagtutoothbrush at pagsusuot ng medyas maiwan lang ako ng school service. Pero mas inagahan lang ni Mama ang paggising sakin para hindi ako malate, sa madaling salita hindi effective. Pero hindi parin dun natatapos ang mga diskarte ko. Kahit papano e lumulusot pa rin ang walang tigil na pag-iyak. Yun tipong akala mo namatayan ako ng kapamilya. Syempre, acting lang lahat yun, Exaggerated lang ba. Naisip ko na din na maglagay ng sibuyas sa kili-kili, kunyari may sakit. Ngunit isang balde pa ng luha at katakutan pa ako ng aswang, hindi hindi pa rin ako manalo-nalo kay mama dahil sa PUNISHMENT. Kung di ako papasok, Walang TV, di pwedeng lumabas ng bahay at kailangang matulog sa tanghali. At dahil sa mga punishments na ito, KAILANGAN kong pumasok.

Nabago ang lahat ng makilala ko ang mga barkada ko. Si Ryan, Baby at Manille. Lagi kaming magkakasamang apat. Magkakatabi sa upuan pag walang guro, sabay kakain tuwing break at maglalaro ng patintero at black 123.

Matatalino ang tatlo, kahit pa hindi masyadong nag-aaral e para bang lagi silang nasa Honors. at sa aming apat, ako lang ang palaging walang awards. Dito ako nagsimulang magbago. Excited na ako pumasok sa eskwelahan dahil alam kong nandun din silang tatlo at maglalaro kami. Nagsimula na rin akong magseryoso sa pag-aaral dahil nahihiya ako sa kanila. Baka isipin nilang meron silang kaibigan bobo.  Yun dating ayaw kong pumasok, nabago nang dahil sa REWARDS. At ang mga kaibigan ko rewards ko. 

3 comments:

  1. Ganda naman story mo! nun bata pa ko, ang sipag ko mag-aral, ayaw ko umaabsent, kaya di ko maalalang nabigyan ako ng punishment, bait baitan kasi ako, hehe..

    ReplyDelete
  2. salamat sa lagi nyong pagbisita. :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...