Saturday, March 23, 2013

Tiwala lang..


Maliit man o malaki ang bagyo ay meron pa rin itong SENTRO, (eye of the storm) kung san tahimik at kalmado. Kaya kaibigan, kung may pinagdadaanan ka man ngayon, maliit man o malaki, hanapin mo ang iyong sentro sa iyong puso. Maaaring ang suporta ng iyong mga kaibigan, comfort ng pamilya o tiwala sa Diyos na may likha. - Kuya Keith


Wednesday, March 20, 2013

HAPPILY EVER AFTER..

May nagtanong sa akin:

 'Bakit daw madaling maka-moveon ang mga lalake kaysa sa mga babae?'- Anonymous 

Hindi totoong madaling nakakamove-on ang mga lalake pag natatapos ang relationships nila. Dinadaan nga namin minsan sa inom, lakwartsa at barkada diba? Kaya lang minsan sa tingin ng iba, kapag ginagawa namin ang mga ito ay nakaMOVE-ON na daw kami. E sadyang ito lang naman ang mga natural na paraan para makaMove-on ang mga lalake. Yun paglilipat ng atensyon namin sa ibang bagay para makalimutan ang sakit na nararamdaman. Dahil dito, nagagawa naming makalimot nang napapangalagaan ng pagkalalake namin. Alam naman nang lahat na importante din samin ang imahe namin, "Imaheng tunay na lalake at pagiging brusko". Pero ang hindi nyo alam, kapag mag-isa na lang kami ay naiisip din namin ang panghihinayang. Panghihinayang sa mga oras na nilaan at inalay para sa taong mahal. Panghihinayang sa mga pangarap at planong di natuloy kasama ang dating kasintahan. Panghihinayang na bakit hindi naging 'HAPPILY EVER AFTER' ang ending nang aming istorya.

Maari po kayong magtala sa "Magtanong kay Kuya Keith" tab kung mayroon kayong mga katanungan.

Monday, March 18, 2013

Mapapasayo..


"Pards, magising ka na sa katotohanan. Hindi lahat ng mahal o gusto mo, MAPAPASAYO! Edi sana syota ko na si Jessica Alba, Scarlett Johansson at Angelina Jolie ngayon. E gusto ko ang mga yun e!"
 - Kuya Keith

Friday, March 15, 2013

Laro

"Ang Tanga-tangahan ay NILALARO lang, hindi ISINASABUHAY"
-Kuya Keith

Lambing :)

"Minsan ang mga babae ay nagtatapang-tapangan para lambingin ng lalake. :)"

Gustong gusto naming mga lalake na lambingin ang mga babae. Kaya minsan natutuwa kami na kailangan nang ilang mga babae na magtapang-tapangan o galit-galitan para lambingin naming mga lalake.  At satin namang mga lalake, wag po sana tayong maging MANHID.


Wednesday, March 13, 2013

Si Kuya Keith at Si Cookie

May mga pagkakataon talaga na sobrang ramdam mo ang pagod. Yun tipong gusto mo na lang humiga sa kama paguwi ng bahay, kahit na hindi ka pa nakapagpalit ng pambahay. Pero ngayon gabi, parang napawi ang pagod ko ng makita ko to. :)

Si Kuya Keith at Si Cookie



Cause & Effect

Ito pala ang dahilan ng trapik sa EDSA!





Sabi-sabi..

"Huwag kang humanap ng taong iintindi sayo. Ang hanapin mo ay ang taong di ka iiwan kahit di ka maintindihan" - Kuya Keith


Sa Bawat Umaga..


Sumipol na sya. Hudyat na handa na siya para dumampi sa aking mga labi. Nagmamadali kong kinagat ang kanyang suot na damit. Napunit ito, bumungad ang mabango, masarap at malapulbos nitong laman. Ihinimlay ko siya sa kanyang malalim na lalagyan at pinaliguan ng mainit na tubig. Dahan-dahan kong inilapit ang aking mga labi. Hindi ko napigilan ang aking sarili, hinigop ito.


Masarap talaga ang mainit na Kape sa umaga. :)

Di kumpleto ang araw ko kapag walang mainit na kape.

Ikaw? Ano ang kumukumpleto sa araw mo?



PAPABLE - 'Papabili'

Maraming nagsasabi na maaring Pilipino ang susunod na Pope. Di ko masyadong inintindi dahil parang 'hype' lang ito na nagmumula sa kapwa ko Pinoy. Parang yun 'hype' na si JEssica Sanchez ang susunod na American Idol. Pero, biglang nagbago ang ihip ng hangin, nang aksidenteng mapadpad ako sa link na ito mula sa CNN. A look at posible papal contenders.


source: http://edition.cnn.com/interactive/2013/02/world/pope-contenders/index.html?hpt=wo_c1




Tuesday, March 12, 2013

'Ikaw po ang bahala'

Sa magkasintahan, ang ibig sabihin ng 'Ikaw po ang bahala' ay 'ayaw ko, bakit di mo ma-gets' - Kuya Keith :)



LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...