Sa ika-limang Pasko mo ako’y nakamtan
Mula sa kulambo sa ibabaw iniwan
Si Santa daw ang nagbigay sabi ni Inay
Ngunit si Itay pala ang sadyang nag-alay
Nang buksan sa pagkabalot agad niyakap
Walang katulad ang unang halik at yakap
Sana’y mahalin at alagaan nang tunay
Pangako ako ay sayo pang habang-buhay
Sa mga kalaro ako’y pinakilala
Pinakamagandang laruang ‘yong dinala
Bigkas ng bata mula sa labi at laway
Sa aking tabi ay tila ayaw mawalay
Ngayong binata ka na, san ako pupunta?
Ang dala-dala kong saya ay nalimot na
Kung maaari ako’y sa bata ibigay
Upang ibalik tunay na halagang alay
***
Tulang lahok para sa hamon nang Ikatlong Saranggola Blog Awards
Good luck sa Saranggola Blog Awards. Ang ganda ng tula!
ReplyDeleteFickle Cattle
ficklecattle.blogspot.com
Maraming salamat po Fickle Cattle
ReplyDeleteNanosebleed nanaman ako.hahaha!
ReplyDeleteGood luck keith! Nail it! =)
ReplyDeletewalang tulak kabiging nageenjoy ako pagtula ang kompetisyon. marahil ito kasi ang forte ko at marahil ito ang tema ng pagsusulat na nakasanayan ko... ang galing din ng tula mong ginawa. isang pagpapatunay na lahat ng pilipino ay may aking pagiging makata...
ReplyDeleteYey! Opisyal na akong kalahok sa kompetisyon. Meron sana akong isa pang likhang kwentong isasali sa kompetisyon. Di ko na lang itinuloy, ang tema kasi ay laruan pero ang kwento ko ay erotika. Mahirap nang maging masyadong malaya sa pagsulat. :) Maraming salamat po sa mga nagbasa.
ReplyDeleteInaanyayahan ko po ang lahat na basahin ang iba pang mga likha sa aking blog. :)
ReplyDeletebeautiful poem... wheee..
ReplyDeleteGoodluck sa SBA.
akin na lang ang laruan? hehehe
Salamat po!
ReplyDelete