Wala akong pasok kahapon. Wala akong ginawa kundi ang matulog lang sa sofa ng sala at magbasa ng mga blogs. Salamat nila michymichymoo, empi, Vallarfax, mga blogger na nagtyagang basahin ang mga sulat ko, at kahit papaano ay may mga nakausap ako sa pamamagitan ng kanilang mga komento sa aking mga entrada. Hindi ko kasi kayang walang kausap. Hindi ko matiis, para akong mababaliw. Buong araw lang ako dapat sa bahay, pero dahil sa nangangati ang aking mga paa ay dimapot ko din ang susi ng kotse para magikot-ikot lang.
Masarap gamitin si 'Barney'. (Barney po ang pangalan ng kotse) Magaan ang manibela kaya madaling isingit. Malambot din ang clutch kaya hindi nakakangawit. May mabangong amoy, minsan apple o cherry, pero naka new car scent ito ngayon. Parang bago pa rin ang itsura nang Toyota Vios dahil alagang-alaga. Meron itong matingkad kulay pula na nakakapukaw talaga ng attention.
Sa pagkakaalala ko ay patungo ako ng Market Market ngunit nagbago ang isip ko. Bigla kong naalala na birthday ni Mama Mary kaya naman nagtext na lang ako kay Cookie na magpunta sa Baclaran. Doon na lang kami magsisimba. Sa Bayani Rd. ako dumaan, baka kasi matrapik ako sa Service Rd. Lumabas ako sa Gate 3 ng Fort Bonifacio at bumaba sa SLEX patungong Magallanes diretso paBaclaran. Mabilis lang ang byahe. May trapik pero parang ang bait sakin ni Lord, nawawala agad ang trapik pag ako ang dumadaan.
Maraming tao sa Baclaran. Maraming nagsimba at nag-alay ng bulaklak. Hindi muna ako pumasok ng simbahan dahil naghintay pa ako kay Cookie. Naisip ko na baka natrapik si Cookie di tulad kong sinuwerte. Pagdating ni Cookie ay nakapagpark ito malapit mismo sa simbahan. Mas maswerte pala sya kasi konti lang ang lakad. Ang parking ko doon sa puno malapit sa labasan ng tao at bakod.
Sabay kaming pumasok ng simbahan. Hawak kamay pa kami. Masarap talaga magsimba kapag kasama mo ang mahal mo. Inspired ako magkwento kay Lord nang mga pangarap at nais ko. Nagalay din kami ng bulaklak na dala ni Cookie pagtapos ng misa.
Paglabas ay hinatid ko si Cookie sa kotse niya. Yun kasi ang unang madadaanan bago sa sasakyan ko. Sinabihan ko siya na sa MOA na lang kami magdinner at nauna na siyang umalis. Pagtungo ko sa aking parking ay nawawala si Barney. Nawawala ang kotse. Imposibleng mangyari yun dahil dala ko naman ang susi. Sobrang nagpapawis ako at nanlalamig sa kaba. Eh bigay lang yun ng kumpanya at hindi ko pa tapos hulugan. May 3 taon pang natitira para mapasakin talaga ang sasakyan. Halos di ako makagalaw sa pwesto ko. Ang daming taong nadadaanan akong tulala. Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin. Wala na akong nakikita, parang nababalot ng puting liwanag ang paligid. Wala na din akong marinig kundi ang palakas na palakas na tunog ng kampana. Tinakpan ko na ang aking tenga dahil hindi ko na makayanan ang lakas ng tunog. Nagring ang cellphone ko, si Cookie tumatawag. Nagtatanong kung saan kami magkikita. Bigla akong natauhan! Pawis na pawis sa sofa ng sala. Hay.. Panaginip lang pala!
Naman o! akala ko naman totoo! hahaha!
ReplyDeleteAko din kinabahan. Badtrip na panaginip.
ReplyDeleteKinabahan din ako. Todo imagine pa ako kay Barney at ang sabay na pagpasok sa simbahan (sweet eh!). Buti, panaginip lang. Nadala ako sa kwento mo! Hahaha!
ReplyDeleteSalamat sa citation sa'kin ah! =)
No prob sa paglink!
ReplyDeleteAng gusto ko lang naman maparamdam sa inyo kung ano at pano yun naramdaman ko pagkagising. parang yung feeling na totoo tapos punong puno ng emosyon. Dun ko na rin nakuha yun idea ng isusulat ko para sa araw na ito. :)
Kinabahan ako! Nakaramdam ako ng matinding takot at lungkot nun nawawala ang kotse mo. Buti ito ay isang panaginip lang. Ang galing mo magsulat Kuya Keith, pang-suspense.
ReplyDelete-Macy
Salamat Macy :), Hindi po ako writer, wala pong kaalaman sa tamang pagsusulat. Hindi rin po bihasa sa pagtatagalog at ingles. Baguhan sa tinatawag na blogging. Nakakatuwa at may mga nasisiyahan sa mga gawa ko. kahit pa man, binuo ko ang gusot mayaman para maging bugtungan lang ng aking mga saloobin. :)Salamat sa pagbibigay oras sa aking blog.
ReplyDelete