Matagal ko nang hindi nakikita ang kaibigan kong si Kris. Sobrang hanga ako sa kanya dahil ibang-iba na siya mula noong hayskul. Sa facebook ko nalalaman lahat ng nangyayari sa kanya dahil sa wala na kaming oras para magkita at makapagusap pa.
image source: http://www.meneatburritos.com/ |
Nagtaos kami ni Kris sa isang pampublikong paaralan sa Pasay. Paaralan malapit sa mga squat at estero. Maraming estudyante pero hindi seryoso sa pag-aaral. Sa bawat section ay merong 60 na estudyanteng nagsisiksikan sa isang classroom. Noong hayskul ay matalino daw kami ni Kris, nasa section 1 kami mula first year. Ngunit sa mga panahon na yon, hindi tulad ko na sinuswerte ay hirap at nagsusumikap lang si Kris sa pag-aaral. Kailangan niyang ulitin ang mga uniform niyang polo para makapasok sa paaralan. Inuulit nya rin ang kanyang dalang face towel halos 3 beses siguro sa isang linggo. Butas ang kanyang mga sapatos na nagiisa lang mula pa noong 3rd year kami hanggang sa makatapos sa hayskul. Naglalakad lang siya mula paaralan pauwi sa kanila. Minsan lang din siya bumili sa canteen dahil wala siyang baon. Kapag may lakad ang mga magkakaklase ay hindi siya nakakasama dahil mapapagastos ito. Kadalasan ay kami na lang magkakaibigan ang nagaambag para kay Kris dahil sa mabait naman ito at masarap kasama.
Ibang-iba na si Kris ngayon. Mula sa kanyang FB ay nakikita ko ang kanyang maunlad ng pagbabago. Nagulat ako na nagpost siya ng BB pin sa FB status niya. Ibig sabihin ay may blackberry na siya. Panay din ang travel niya, palawan, Bohol, Vigan, atbp na nakikitta ko sa mga facebook photos niya. Madalas din siya magStarbucks, lagi kasing naguupdate ang foursquare niya. Kung dati ay hindi siya makasama sa lakad ng mga magkakaklase, ngayon ay siya na ang nagyayaya. Lagi siyang may bagong fb status na kailangan niya ng kasama para manood ng sine, bumili ng gamit o di kaya ay tumambay lang. Sa madaling salita, umasenso na talaga si Kris na siyang kinatuwa ko naman. Sobrang pangarap ko din na makaalis siya sa paghihirap dahil sa alam ko naman ang mga pinagdaanan niya. Masaya ako para sa kanyang Perfect Life.
Isang araw ay nagkita kami ni Kris. Siya ang nagyaya at nagplano. Kumain kami sa Italllianis sa may Gateway. Doon kami nagkakwentuhan sa mga pangyayari sa aming buhay. Sinabi ko na ang trabaho ko ay pagmeMedrep, binigyan na ako nang kumpanya ng sasakyan at medyo malaki naman sa sinasahod ko. Naikwento ko rin sa kanya na pangarap kong magkalaptop, at blackberry tulad niya dahil di pa ako nakakaroon ng mga iyon. Pero laking gulat ko ng siya na ang nagkwento. Maswerte daw ako sa trabaho at malaki ang sahod ko di tulad niya. Naiinggit siya sa sasakyan ko na ibinigay naman ng aking kumpanya. Ang kanyang mga pagtratravel at gamit, laptop at cellphone, ay utang niya lang daw mula sa kanyang credit card.
Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan sa mga kuwento niya. Ang kanya palang Perfect Life ay sa Facebook lang pala.
Sorry sa term, pero ambisyoso masyado yang kaibigan mo. Sana hindi siya lamunin ng interest rate ng credit card niya.
ReplyDeleteAw. Sad naman!
ReplyDeleteTeka, saan ka nagmemedrep kuya keith? hehe baka pareho tayo ng pinapasukang kumpanya pero di ako medrep ha. hehehe
Gusto ko sya matuto ng tinatawag na financial intelligence. Yun alam mo kung ang paggastos na iyon ay makakatulog sa iyong pagunad o hindi. Kapag meron ka daw FI, mabilis mong nakikita ang mga opportunities sa isang bagay. Alam mo kung saan dapat o hndi dapat gumastos. ikwento ko na lang ang tungkol sa FI at rat race sa mga susunod na blog entry. Pero sa ngayon, hindi ko pa pala pwede si Kris turuan ng FI dahil ako din wala pang masyadong alam tungkol dito.
ReplyDelete@Empi, sa distributor lang po. Japan ang principal ko. Ophthalmics products lang po. Mga gamot sa mata- katarata, glaucoma, allergy, antibiotics. Maliit lang po ang Ophthalmology industry sa pharma kaya kung sa Ophtha rin po ang company mo, sigurado po magkakilala tayo. :)
ReplyDeleteIlang kaibigan na din ang binuhusan ko ng lecture tungkol sa finance. Buti naman at nakinig sila sa kin. Nakakaawa ang mga taong hindi nag-iipon at nag-iinvest. Para din sa kanila yun.
ReplyDeleteAlam mo keith, naawa, at nasiyahan ako sa kwento mong nung simula. Pero nung nabasa ko yung mga huling talata, sarap batukan ang kaibigan mo. Forgive me the term but it's true.
ReplyDeleteMichy is right. Ako, bago pa lang ako nagtratrabaho at wala pa naiipon sa bangko. Puro kasi ako aral sabay ang trabaho. Tanim muna ako ng madaming binhi at saka na ang sandamakmak na ani. Investment nga na matatawag yun pero hindi sa financial. Growth yung sa'kin sa simula. Sa huli na ang pera.
Sayang yung kaibigan. Payuhan mo ha? Matalino kayo pareho kaya dapat gamitin sa tama.
Regards!