Matagal ko nang hindi nakikita ang kaibigan kong si Kris. Sobrang hanga ako sa kanya dahil ibang-iba na siya mula noong hayskul. Sa facebook ko nalalaman lahat ng nangyayari sa kanya dahil sa wala na kaming oras para magkita at makapagusap pa.
![]() |
| image source: http://www.meneatburritos.com/ |
Nagtaos kami ni Kris sa isang pampublikong paaralan sa Pasay. Paaralan malapit sa mga squat at estero. Maraming estudyante pero hindi seryoso sa pag-aaral. Sa bawat section ay merong 60 na estudyanteng nagsisiksikan sa isang classroom. Noong hayskul ay matalino daw kami ni Kris, nasa section 1 kami mula first year. Ngunit sa mga panahon na yon, hindi tulad ko na sinuswerte ay hirap at nagsusumikap lang si Kris sa pag-aaral. Kailangan niyang ulitin ang mga uniform niyang polo para makapasok sa paaralan. Inuulit nya rin ang kanyang dalang face towel halos 3 beses siguro sa isang linggo. Butas ang kanyang mga sapatos na nagiisa lang mula pa noong 3rd year kami hanggang sa makatapos sa hayskul. Naglalakad lang siya mula paaralan pauwi sa kanila. Minsan lang din siya bumili sa canteen dahil wala siyang baon. Kapag may lakad ang mga magkakaklase ay hindi siya nakakasama dahil mapapagastos ito. Kadalasan ay kami na lang magkakaibigan ang nagaambag para kay Kris dahil sa mabait naman ito at masarap kasama.
