Monday, September 12, 2011

Happy Monthsary sa iyo Kaibigan :)

USD1.47 sa Adsense, PHP20.00 sa Nuffnang, 10 na mga kaibigan tagasunod, 738 na page views, 59 na mga entrada sa blog at 45 na mga komento. Lahat ng ito ay hindi ko inaasahang mangyayari sa loob lamang ng isang buwan.

Saktong isang buwan ang nakalipas ng maisipan kong gumawa ng isang blog. Blog na aking magiging ikalawang mundo. Mundo kung saan ako ang bida, direktor at artista. Ang mundo ng aking mga saloobin, pangarap at ideya. Ang mundong may layunin na buhayin ang lahing kayumanggi. Ang mundo kung saan walang mayaman o mahirap, lahat ay pantay-pantay.

Wala akong alam at kakayahan sa pagbla-blog. Wala akong pormal na kaalaman sa pagsusulat. Hindi ako nakapag-aral  nang ibat-ibang teknik sa paglalahad ng istorya. Ang meron lang ako, mga ideya at lakas ng loob na sumulat sa isang blog na walang kasiguraduhan kung may magbabasa.

Sadyang mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko namalayan na ang araw na ito, ay ang unang buwang kaarawan ng Gusot Mayaman. Sa mga kaibigang tagasunod, kliyente at mga mambabasa. Happy Monthsary! Yikes! Hangad ko ang inyong kasiyahan sa pagbabasa nang aking mga likha.


* * *

Monthsary din namin ni Cookie ngayon pero di  tulad ng Gusot Mayaman. 4 years at 11 months na kaming nagma-monthsary :) 

4 comments:

  1. Salamat po sa lahat ng sumusuporta. c",

    ReplyDelete
  2. Mas marami ka pang blog posts sa kin! hahaha! Keep it up! :)

    ReplyDelete
  3. Drama mo! Hahhaha! Happy celebration! =)

    ReplyDelete
  4. Oo nga eh.. medyo madarama nga. :) Salamat sa walang sawang pagbisita. :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...