Wednesday, March 13, 2013

Sa Bawat Umaga..


Sumipol na sya. Hudyat na handa na siya para dumampi sa aking mga labi. Nagmamadali kong kinagat ang kanyang suot na damit. Napunit ito, bumungad ang mabango, masarap at malapulbos nitong laman. Ihinimlay ko siya sa kanyang malalim na lalagyan at pinaliguan ng mainit na tubig. Dahan-dahan kong inilapit ang aking mga labi. Hindi ko napigilan ang aking sarili, hinigop ito.


Masarap talaga ang mainit na Kape sa umaga. :)

Di kumpleto ang araw ko kapag walang mainit na kape.

Ikaw? Ano ang kumukumpleto sa araw mo?



2 comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...