Sa ngalan ng pag-ibig, ano nga ba ang dapat pairalin? Ang puso o ang isip?
Maraming nagsasabi na kung ayaw mong masaktan sa pag-ibig, dapat ay gamitin ang isip.Pero pano mong matatawag na ito ay tunay na PAG-IBIG' kong ang pinagmulan nito ay ang isipan. Siguro dapat na lamang natin itong tawaging 'PAG-ISIP'.
"Love is Blind". Ito ang depinisyon ng mga taong nagmamahal gamit ang puso lamang. Hindi sukat ang pisikal na itsura, ugali, at tamang pagkakataon ng kanyang pag-ibig. Ang nararamdaman dito ay puro saya, excited makita at makausap ang minamahal. Gagawin ang lahat, makasama lamang ang taong itinitibok ng kanyang puso.
Pero pano nagiging mali ang "love is blind" o pagmamahal gamit ang puso lamang?
Masasabi mong mali na ang iyong pagmamahal kung nabubulag ka na sa pag-ibig. Mali ang pag-ibig kung nawawala na ang iyong pagiging rational. Kung nawawala na ang mga mabuting bagay na itinuro sa iyo ng inyong mga magulang o titser sa GMRC. :) Kung ang iyong pag-ibig ay magdudulot ng sakit o kasawian sa iba. Kung nasasaktan ka na ngunit tinitiis mo dahil ang taong nakakasakit sayo ay ang taong iyong iniibig. Halimbawa nito ay pag-ibig sa taong mayroon nang asawa. Dito dapat pumasok ang 'isip' sa pag-ibig.
Naniniwala akong sa pag-ibig dapat ay 50/50 ang puso at isip. Tamang ang puso mo ang magsabi kung sino ang iyong tunay na minamahal ngunit dapat din naman mag-isip kung tama ba ang iyong pagmamahal. Ang akin lang, sa ngalan ng pag-ibig, mahalin muna natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng paggamit ng pag-iisip sa pag-ibig.
Try ko ipraktis yang 50-50.hehe. :P
ReplyDeletehttp://www.dekaphobe.com/
napaka-kumplekado talaga ang Pag-ibig. Hindi nga ako confident sa pagsulat nito, dahil alam ko na bawat isa ay may kanya-kanyang paniniwala. Ganun pa man, ang pag-ibig, kumplekado man ay siya ring pinakamasarap na pakiramdam. :)
ReplyDeleteWow, this is a very broad and debatable topic. All I can say is I love the passage of the bible in Corinthian 13:4-8. That is my very definition of love. Nothing more, nothing less.
ReplyDeletesablay ako lagi sa 50/50..pero sana sa susunod matuto na ko hehe...
ReplyDeletepaborito ko rin ang Corinthians 13:4-8.:)
ReplyDelete4 Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.
8 Love never fails. But where there are prophecies, they will cease; where there are tongues, they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away.