Tuesday, May 8, 2012

Blanko




Buti pa ang buko, may laman at sabaw. Ang isip ko, ngayon ay wala.



Lahat yata ng manunulat naranasan na ito.Yun tipong kahit anong piga pa ang gawin ko sa kokote ko e wala akong maisip na isulat. O kaya meron akong ideyang gustong ibahagi pero hindi ko alam kung paano sisimulan.

Ano nga ba ang dapat gawin kapag nararanasan ito?

Simple lang, tanungin ang sarili:
  • Bakit nga ba ako nagbloblog/nagsusulat?
  • Ano ang mga dahilan kung bakit nais kong magsulat? 
  • Para kanino ba ako sumusulat? 

Siguro tulad ng iba sa inyo, nandito ako para ibahagi ang aking sarili, ilabas ang mga nararamdaman ko, ibahagi ang ilang istoryang alam kong magbibigay ng inspirasyon sa aking mga mambabasa. Dito ko inilalabas ang mga opinyon ko. Ito rin ang 'comfort zone' ko, kaya kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin sa isang tao at pangyayari na di ko naman talaga kayang gawin ng personal. Sumusulat ako para sa pagmamahal, para maging modelo, para maging inspirasyon.

Ang punto lang ng entradang ito ay: Kung wala talaga akong maisulat, e ano? Hindi ko naman kailangan magpost araw-araw, lingo-lingo. Di ko kailangan pilitin ang sarili ko kung wala talaga. Ang importante, sa oras na may maisip akong topic. Alam ko sa sarili ko na ang mga isusulat ko ay makapagbahagi ng kabutihan, saya,  at aral sa mga mambabasa ko at higit sa lahat, sa sarili ko.


Photo source: http://www.lunch.com/Reviews/d/Coconut_Juice-Photos-1471223-Coconut_Juice-303515.html?pid=0

2 comments:

  1. Nahihirapan din ako magsulat pag medyo matagal nang bakante utak ko. Make it a habit para di ka mablangko. :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...