Monday, May 7, 2012

Tamang Oras na Para Magmove-on.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kay Joyce sa pagkakataon na yun. Alam kong nasasaktan at nahihirapan s'ya sa kanyang sitwasyon. Kung di ba naman g*go itong si Mark. Sabihan ang kaibigan ko na kailangan n'ya nang oras para sa sarili at di kayang pagsabayin ang relasyon dahil sa mga bago niyang responsibilidad sa trabaho. Hindi na nga acceptable ang dahilan n'ya, nakita pa sya ni Joyce na nakikipagdate sa iba.

Hindi ako sanay na nakikitang malungkot si Joyce. Lagi niyang masayang ibinabahagi ang ilang mga kwento patungkol sa kanila ni Mark. Sa katunayan ay minsan lang lumabas si Joyce sa news feed ko sa facebook, at lahat nang status nito ay talagang nakakakilig, aminin ko na cheezy pa! Pero kaninang umaga ibang Joyce at status update ang mga nabasa ko. Puno ng galit, pagkasuklam at pait. 


Hindi ko alam kung anong mga tamang salita ang dapat kong sabihin. Hindi rin naman ako magaling magbigay ng payo pag tungkol sa pag-ibig. Pero hindi ko kayang tiisin ang kaibigan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kanyang mga numnero.

Nang sinagot ni Joyce ang kanyang telepono ay wala akong ideya kung anong dapat sabihin. Siguro dahil sa likas na malakas akong mang-asar at mapagpatawa ay biglang isang joke lang ang aking nabitawan.

Keith: Oi Joyce!, anong isda ang laging nababasa sa ulan?
Joyce: Huh? (walang ideya si Joyce sa kung anong pinagsasabi ko, siguro nga hindi nya alam na nagjojoke na pala ako)
Keith: Edi, 'HITO' (catfish)
Joyce: Ahh... (dun lang narealize na joke pala yun) Bakit?
Keith: 'Hito' (heto) ako... Basang-basa sa ulan.. Walang masisilungan, walang makakapitan. (pakanta kong sagot)

Tuwang-tuwa ang kaibigan ko, biglang nakalimot sa problemang pinagdadaanan nya. 

Pagkatapos ng pagtawang iyon ay sinubukan kong bitawan ang parehas na joke patungkol sa hito. At sa  pangalawang pagkakataon ay muli siyang natawa pero hindi na tulad ng sa una.

Alam kong wala nang sense kung susubukan ko ulit na bitawan ang hito joke o parehas na joke sa ikatlong pagkakataon. Pero wala pa rin akong masabi, kaya di ko na napigilan at najoke ko pa rin ito. Ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi na natawa si Joyce. :(

Doon ako nabigyan nang ideya para makatulong sa pinagdadaanan ni Joyce. Ang nasabi ko na lang:

'Diba nakakatawa ang joke sa unang pagkakataon na marinig mo ito, nakakatawa rin naman sa pangalawa pero di tulad ng saya na naramdaman mo sa una. Pero sa ikatlong pagkakataon ay parang wala nang epekto. Pero bakit si Mark, mahigit sa tatlong beses mo nang iniiyakan. Bakit ang problema mong iyan ay paulit-ulit mong iniiyakan? Hindi ba dapat tamang oras na para magmove-on.'

**Photo source: http://www.thefrisky.com/2008-12-21/study-pain-hurts-more-if-the-person-hurting-you-means-it/

2 comments:

  1. Nakakalungkot makita ang mga kaibigan nating malungkot. Pero mas higit na maungkot yung alam nating wala tayong magawa para mabawasan yung nararamdaman nila.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...