(Unahan ko na, humuhingi na ako ng paumanhin para sa mga lalaking mambabasa. Cheesy kasi ang blog entry na ito.)
Napagausapan na namin ni Cookie ang pagpapakasal. 25 years old na kasi ako at siya naman ay 24. Balak namin ay sa 2012 pero mukhang malabo. Baka maging 2013 o 2014 na lang. Hirit ito ng parents niya dahil meron pa kasing 3 kapatid si Cookie na tinutulngan, 1 sa kolehiyo, 1 sa hayskul at 1 sa elementarya.
So ngayon, gameplan na lang muna. game plan talaga.. :)
1. Mag-ipon ng 150,000 para maging emergency fund. Ito ang gagamitin sa mismong araw ng kasal. Para sa mga hindi inaasahang bayarin.
2. Magsimula nang magbooking at maghanap ng supplier. Dapat ay makapagdown na rin para hulog-hulugan na lang ng buong taon.
3. Magplano na kung sino ang dapat na mainvite, ilang guest at kung saang simbahan at reception.
(Dapat maplano mabuti dahil ang budget lang namin ay baka P500,000.00. (Baka lang naman kasi kung hindi aabot sa 500k kahit magkano na lang matuloy lang.)
Pero dahil usapang kasal ito. Gusto kong ibahagi na rin sa inyo ang mga larawan ni Barbie at Ken sa kanilang kasal. Ang mga larawan ay talagang nakakatuwa at nakakaaliw. Narito ang ilan sa mga larawan:
I click ang mga imahe para sa iba pang mga lawaran sa album.
Ngayon pa lang tol, Best Wishes na! Di ko akalain na ganun pala ang estimate niyo sa pagpapakasal. Mahal pa lang talaga. :)
ReplyDeleteNakita ko na yang Barbie pics sa yahoo. Dude, share ko lang. yung kasama ko dito sa opisina, yung kinita daw nila sa stocks yung pinangkasal nila. Pwede di ba? minsan kasi hindi naman maasahan ang savings account lang. :)
ReplyDelete@Vallarfax, Oo nga e, mahal pala magpakasal.
ReplyDelete@Ms. Michymichymoo, paano sila nkapagggsave from stocks. trader ba sila?
Kuya Keith, kumikita sila sa dividends ng stocks nila. Try mo. Kasi ako din mag-oopen na ng account sa citisec. 5k lang pwede ka na mag-umpisa. :)
ReplyDeletePero ang citisec pang long term diba. continuous ang pagiinvest monthly or quarterly without selling your investments for at least 10 years.
ReplyDeletePero mukhang interesting..
Hindi naman long term. Ang long term yung life insurance at mutual fund. Hindi naman kelangang continuous ang investment mo. Kahit yung 5k na startup mo, palaguin mo na lang. ;) Try mo din iresearch. Suggestion ko lang naman at mas okay siya talaga. Sa stocks kasi talaga yumayaman ang mga mayayaman. :)
ReplyDeletesige, magresearch ako. :) thanks po!
ReplyDelete