Naglilipgpit ako ng gamit sa opisina nang biglang may kumatok. Si Dem pala iyon, medrep ng Bausch and Lomb. Nagtatanong kung pupunta ako ng V. Luna dahil fiesta nila. Sa totoo lang, nagulat ako ahil nawala sa isip ko na fiesta ng ospital. Ako pa naman ang nagpledge ng catering pero dahil sa friends kami ng mga doktor ay tumawag ako sa kanila. Sinabi kong wala akong budget. Gayunpaman ay mapilit pa rin kaming pinapapunta kahit walang dala. Presensya lang daw namin ni Dem ay okay na.
Agad akong nagliquidate ng pera sa accounting dahil unang araw ng linggo. Tuwing lunes namin isinasauli ang budget at nanghihingi ng funds para sa mga pangdate sa mga doktor. Pagkatapos magliquidate ay nagtungo kami ni Dem sa V. Luna Hospital (AFP Medical Center).
Alas-dos na nang hapon kami ni Dem dumating sa ospital. Ang naabutan namin ay ang mga sundalong doktor na nagiinuman. Agad akong pinaupo sa lamesang maraming Red Horse. Pinagbuksan ako ng medical technician ng isang bote. Napainom na ako kahit hindi pa nakakapaglunch.
Sa tabi ko ay isang ahente ng EuroMed. Lasing na siya, umaga pa lang daw ay nasa ospital na siya. Hindi niya alam na fiesta kaya wala siyang dalang kahit ano. First time nya din pumunta sa ospital dahil bago lang siya. Nakakaawa din, dahil wala pa daw siyang client call kahit isa. Lasing na lasing na ito, malamang hindi na makakauwi yun mag-isa.
Upang makatakas ay kumuha ako ng Litson, spaghetti, at palabok. Kumain muna baka kasi malasing ako. Ayokong lumabas ng ospital na yun na lasing dahil magkikita kami ni Cookie sa Mandaluyong. Magpapamasahe kami, libre niya dahil nakuha na niya ang kanyang komisyon. Pero nagkamali ako, hindi ako makalabas dahil ang kukulit ng mga kliyenteng doktor. Pagkaubos ng isang bote ay agad-agad itong pinapalitan. Panay na ang tingin ko sa oras at baka mahuli ako sa usapan namin ni Cookie. Sa ika-apat na bote. lasing na talaga ako. Ipinalagay ko kay Dem ang bag ko sa CR para pag nagCR ako ay tatakas na lang at hindi na babalik. Nagtagumpay naman kami ni Dem sa plano. Isinama ko na din siya at baka lasingin pa siya ng mga doktor.
Buti na lang at nakapagpaalam ako kay Cookie na mapapainom ako sa V. Luna. Naintindihan nya naman dahil tawag daw ng trabaho. Pagdating sa Mandaluyong ay nagdinner na kami sa Jollibee. Di ako kumain puro matamis na lang, Sundae at softdrinks para mawala ang lasing.
Pagkatapos kumain ay nagtungo kami sa Spa. Si Cookie na ang pinagdrive ko dahil lasing ako at may dala naman siyang kotse. Pagdating sa spa ay meron silang promo na inooffer, P399.00 foot massage at Swedish massage combo. Agad kaming nagpabook at nagpamasahe.
Inuna ang foot massage sa akin. Sobrang relaxing lalo nang lasing ako. Talagang nakakatanggal ng pagod. Paa kasi ang unang sumasakit sa aming mga ahente dahil puro lakad at takbo. Pagkatapos ay ang Swedish Massage. Sobrang masakit pala ang massage na ito. Bawat parte ng muscle ko sumasakit kapag mminnamasahe. Gusto kong suntukin yun masahista. Biglang bumalik ang tama ng red horse sa akin. Nanlalamig na ang mga kamay at paa ko. Nasusuka na din ako pero hindi naman pwede dahil nakakahiya sa Spa. Sa madaling salita. sayang lang ang pinangSpa ko. Sana ay itinulog ko na lang.
"Gusto ko suntukin yung masahista." -- Tumawa talaga ako. Hahaha! Ganyan pala ang medrep. Tama ang kwento nung kaibigan ko.
ReplyDeleteRegards! :)
Nakakaaliw ang buhay medrep. Luxurious daw sabi ng iba. libre kotse, travel, allowances, hawak mo daw ang oras ng trabaho. Pero ang pagmemedrep ay di para sa lahat. Ito ay para sa taong may malinis na konsensya, madali kasi maimpluwensyahan ng masama dahil expose dito. Para sa mapagpasensya, dahil maghihintay kami ng ilang oras sa isang doktor pero makakausap lang ito ng wala pang 2 minuto. para sa matiyaga, dahil sa iba iba ang ugali ng doktor.. mahirap magplease ng mga ibatt-ibang klaseng tao.
ReplyDelete