Si Kuya Kool ay ang aking nakakabatang kapatid. Siya ay matipuno at may kagwapuhan. Ang taas niya ay flat 6'. May katamtamang laki ng katawan. Hindi siya maputi at hindi rin siya maitim tulad ko. S'ya ang nagmana talaga kay papa.
Si Kuya Kool ay dalawampu't isang taong gulang na. Kasalukuuyang nag-aaral at merong kasintahan, Jessica ang pangalan. Si Jessica ay magandang bata. payat, tama lang ang tangkad para sa babaeng Pilipina. Kayumanggi ang kulay. Black Beauty sa madaling salita. Si Jessica ay matalino din. Tapos sa kolehiyo at kasalukuyang nagtratrabaho. Siya ay talagang matiyaga at mapagpasensya.
Apat na taon ang agwat namin ni Kuya Kool. Mas matanda ako kaya ako ang nagtuturo sa kanya sa eskwela noong mga bata pa kami. Hindi siya magaling sa klase pero may tiyaga naman...
Sa katunayan, nabigyan siya ng award sa paaralan namin.. Kasama siya sa top 10 ng klase. Pang-siyam ang kapatid ko noong siya ay kinder 2 pa lang. Sa totoo, nainggit ako dahil hindi pa ako napasamma sa top ng klase kailanman. Pero wag naman ng tulad sa kapatid ko. Dahil sa kinder 2, siyam lang silang magkakaklase.
Pitong taon ang kapatid ko sa elementarya. Sa private school kami nagaaral noon. May dagdag na isang taon kaysa sa iba. Pero hindi dahil sa international curriculum meron ang paaralan namin. Kundi, gusto kasi ng kapatid ko mamaster ang Grade 1. Buti na nga lang at advance siya sa grade school. Anim na taong gulang pa lang siya noon nang pumasok sa elementarya.
Ang aming nanay ay High School teacher. Doon ako naghayskul kung saan siya nagtuturo. Kaya naman doon din naghayskul si Kuya Kool. Dahil sa anak kami ng titser, inilagay kami sa mataas na section. Prebilehiyo yata iyon ng mga anak ng titser. Sobrang proud ako kay Kuya Kool noon, dahil natapos niya ang hayskul sa 4 na taon.
Noong kolehiyo na si Kuya Kool ay pinangarap nitong mag-aral ng HRM. Magaabroad daw sya, pangarap niyang makatulong sa aming pamilya kaya gusto niyang makapangibang-bansa. Ang problema, 3 taon siya sa first year. Tila yata nahirapan si Kuya Kool hanapin ang x at y sa algebra o di kaya, di mapagtugma ang subject at verb sa subject-verb agreement sa English class.
Ngayon, apat na taon na siya sa 1st year. Lumipat na ito ng paaralan. Gusto na daw niya kumuha ng computer technology. Mas madali nya daw kasi ito matatapos dahil dalawang taon lang ito. kahit ganunpaman ang nangyari sa pag-aaral ng kapatid ko. Sobrang proud ako sa kanya, dahil hanggang ngayon ay pinapatunayan ni Kuya Kool na tatapusin niya ang kanyang pag-aaral kahit ano pa man. Salamat kay Jessica na matiyaga, kay mama na laging sumusuporta at sa inspirasyon ng aming namayapang ama.
Para kay Kuya KOOL. Hindi ako magsasawang manalangin para sayo at sa iyong mga pangarap.
No comments:
Post a Comment