Source: http://digitalphotographer.com.ph/forum/showthread.php?p=1002916 |
Matapos bigyan ng parangal sa mahusay ng pagbebbenta ng aming produkto. Kasama ang aking mga katrabaho ay dinala kami ng aming mga boss sa isang bar sa Roxas Blvd. Doon daw kami ay magsasaya at magiinuman. Sinabi nila sa amin, doon daw ay may nagsasayaw nang nakahubad. Kitang kita ko sa mukha ni Joyce at Ellen ang kaba ng bumaba sila sa sasakyan. Naka-Cocktail dress kasi sila dahil sa yun ang tema ng awards night. Ibinigay ko ay Ellen ang jacket ko upang maitago ang kanyang suot na sleeveless gown. Natatakot ako na baka mabastos ang dalawa sa lugar na iyon.
Dinala kami ng waiter sa lamesang malapit sa enntablado. May mga babaeng naka gown din at parang mga modelang rumarampa. Kitang kita ang makikinis na mga balat na parang sa mga mayaman. Mali yata ako pagkakaintindi sa lugar na iyon sa ganun pagkakataon, akala ko ay may mga babaeng naghuhubad at nagsasayaw.
Tumunog ang serena mula sa stage. Akala ko ay may sunog o emergency. Isa-isa nang naglalabasan ang babaeng kanina'y magaganda ang mga damit. Wala na itong mga saplot at sumasayaw na walang emosyon. Kitang-kita ko ang hiya ng mga babae habang sumasayaw. Pare-pareho ang itsura ng mga mukha nito, malungkot at mukhang nahihirapan.
Pansamantala akong napatiitig sa mga katawang nagsasayawan. Iba-iba pala ang mga itsura ng mga parte ng katawan ng babae. May mga boobs na matataas at mabababa. May malaki at meron ding maliit. May nipple na pink at meron ding mas maitim. Tunay na lalaki nga ako, pansamantala kong nakalimutang kasama namin si Joyce at Ellen.
Lumingon ako sa kaliwa. Nakita ko si Ellen na natatawa. Bumulong ito sa akin, bakit daw maitim ang pwet ng isa. May eyebbag daw. Sa aking kanan naman ay nakaupo si Joyce, malungkot ito at di makatingin sa entablado. Sa halip ay naglaro na lang ng Angry Birds sa dala nitong iTouch.
Natapos ang palabas at kami ay niyayang umuwi. Akala ko ay maeenjoy ko ang lugar na iyon ngunit hindi pala. Umuwi akong mabigat ang aking kalooban. Bigla ko tuloy naalala ang dalawang importanntenng babae sa buhay ko. Ang aking ina at si Cookie. Matapos ang pangyayaring iyon, ay nangako ako sa aking sarili. Mula ngayon, Ako, si Kuya Keith, ay rerespeto at gagalang sa kababaihang Pilipino.
naks! panalo sa pangako haha
ReplyDeletelove the last line ^^
Kamusta Whang! Salamat po sa Pagbabasa. Naniniwala po ako na ang pagrespeto sa kababaihan ay pagrespeto sa aking sarili bilang lalake. Ang pambabastos sa mga kababaihan ay hindi nangangahulugan ng pagka-tunay na lalake.
ReplyDelete