Sunday, August 21, 2011

Barya para sa Bayan



Kasabay sa pagbuo ng blog na ito ay ang layunin kong buhayin ang lahing kayumanggi. Nais kong  ibalik ng bawat Pilipino ang kanilang Pagmamalaki bilang tao at dignidad bilang isang indibidwal.

Upang simulan, Nais kong manawagan sa bawat mambabasa na tumugan sa panawagan ng Banko Sentral ng Pilipinas. Nitong mga nakaraang araw, lumabas ang mga balita sa dyaryo at telebisyon na nauubos na ang ating mga barya. Ito ay sa mga sumusuunod na kadahilalan:

  • Pagiimpok ng mga barya sa alkansya na nakapagbabagal ng sirkulasyo nito.
  • Nasisirang barya, mga naagkakabutas at nayuyupi dahil sa di wastong pagggamit.
  • Paggamit ng mga barya sa paggawa ng mga singsing at iba pang alahas.
Ayon sa Banko Sentral, sa bawat baryang di nagagamit ay gumagastos ang pamahalaan ng Php 2.40. Sa makatuwid, makakatipid ang ating bansa ng milyon-milyong halaga kung mas maraming barya ang nagagamit at umiikot sa merkado.



Source:
Yahoo News: Authorities Urge Filipinos Stop Hoarding Coins

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...