Saturday, August 13, 2011

Sagwan at Apoy sa Bunganga ng Dragon!




Filipino Paddlers

Sagwan, sagwan pa.
Hanggang marating ang mga pangarap.
Sa dulo ay makikita ang liwanag.
Liwanag ng pagkakakilanlan.

Suporta sa kanila'y pinagkait.
Ngunit pagmamahal ang kanilang ipinalit.
Pagmamahal sa bayang parang walang malasakit.
Na sa kanila pa'y waring galit.

Limang ginto, dalawang pilak.
Sa bayan ay inialay.
Parangal ay hindi hanggad.
Karangalan ng bayan ang tanging balak.

Sa simpleng larong tulad nito,
bakit ang bayan ko'y nagkulang?
Pagkakaisa ay kay hirap makamtam.
Ano pa kaya sa tunay na kalagayan ng bayan?

Salamat sa mga sagwan at dragon.
Ginising nyo ang natutulog na apoy,
Sa puso ng bawat pilipino.
Pinaisilip ang tunay na lagablab ng lahing Pilipino!


Congratulations Philippine Dragon Boat Federation team sa pagkamit ng 5 ginto at 2 pilak na medalya sa 10th Dragon Boat World Championships na ginawa sa Tampa Bay, Florida.


No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...