Tuesday, October 4, 2011

Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool 9

"Paano mo makikita ang tamang tao para sa iyo kung patuloy mong ipinagsisiksikan ang sarili mo sa taong gusto mong makasama." - Kuya Kool

***
Hindi  ko nakuha ang gustong mensahe ni Kuya Kool. Nagdadalawang isip pa nga ako kung dapat ko pa itong ilagay sa post o hindi. Pero dahil namiss ko ang mga banat ni Kuya Kool ay di na ako nagpapigil pa. Tulungan ninyo na lang ako intindihin ang mensahe sa pamamagitan ng pagkomento.

Si kuya Kool po ang aking nakababatang kapatid. Ito ang mga post n'ya sa kanyang Facebook account. Nais ko lamang ibahagi sa lahat, hindi para pagtawanan. Ngunit para maalala natin, na simple at masaya ang buhay. Ang bawat mensahe, kahit papaano ay nakapagbibigay ng aral.

2 comments:

  1. Siguro parang magsyota yan, na ang isa lang ang nagmahal at yong isa may ibang mahal. :)

    ReplyDelete
  2. Baka siguro ang ibig niyang sabihin ay; pano mo makikita ang destine para sayo kung pinipilit mong ipush ang sarili sa taong gusto mong maging sayo kahit na ayaw nito.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...