Monday, August 29, 2011

Pull the String to Stop

Tatak na nang buhay Pinoy ang Jepney. Wala yatang Pilipino ang hindi nakakakilala dito. Kahit pa Igorot ng Banaue at Maranaw ng Maguindanao. San man dako ng Pilipinas, sigurado ay may dyip.

Hari ng kalsada ang pagkakakilala natin sa Jeep. Ito ang pangunahing pampublikong transportasyon sa ating mga  lansangan. Kilala ito sa natatanging tulin at ingay. Meron din itong ibat-ibang desenyo. Yun iba pa nga ay may mga kabayo at banderitas sa unahang parte-sumisimbolo  sa ating pagiging masiyahin. May mga ilang dyip na may imahe  ni Kristo at mga santo-nagpapaalala sa pagiging makaDiyos ng mga Pilipino. Meron din iilan na may pangalan at litrato ng pamilya-nagpapakita ng ating pagpapahalaga sa pamilya.

Lumaki ako sa pamilyang di mayaman, walang sariling sasakyan kaya madalas ay nakadyip lang. Marami akong ala-ala sa bawat sakay sa dyip. Kasama dun yun unang kandong ni  Papa sa akin nung papunta kaming Manila Zoo. Nandun din yun, binibigay sa akin ni Mama ang pera pambayad para iabot, pero madalas ay nahuhulog ko ang barya. At ang mga pagkakataong ikinakandong ko si Kuya Kool na aking nakakabatang kapatid. Hinding-hindi ko din malilimot ang pagtakas ko sa konduktor ng aming school service nung elementarya para makapagcommute. Paborito ko nun yung dyip na may kakaibang tunog ng makina-parang sumisipol na garalgal. Gusto ko pa ay nakasabit kahit na maraming upuan sa loob. Kaya madalas ay napapagalitan ako ng drayber.

Sa dyip ko na din natutunan ang ilan sa mga importanteng kasabihan nating mga Pilipino. Hehe, malalim  na mga kasabihan. Ito ang ilan:

  • Basta Driver, Sweet Lover.
  • Hudas not Pay
  • Bayad muna bago baba
  • No ID, No Discount
  • Pag seksi libre, pag siksik doble.
  • Ang sitsit ay para sa aso, ang Para ay para sa tao
  • Pull the String to Stop.

Ginawa ko ang blog post na ito upang maipakita ang malaking bahagi ng Jeep sa aking buhay at kulturang Pilipino. Sana ay patuloy nating sakyan ang  mga dyip upang maikwento natin sa ating susunod na henerasyon ang ilang mga kwentong dyip tulad nito:

  • Sumiksik sa dyip. Ikaw ang pangSampu pero siyaman lang pala ang upuan.
  • Malaglag sa pagkakahawak sa hawakang bakal sa itaas na bahagi ng dyip upang di mahulog dahil nakatulog.
  • May makatabing merong malakas na anghit o putok.
  • Malaslasan ng bulsa at mahold up. Ikwento na lang kahit wag na mangyari.
  • Sumabit sa estribo, Feeling pogi.
  • Magabot ng bayad at sukli.
  • Magtapon ng kalat sa maliit na basurahan sa gitnang unahan ng dyip.
  • Kumatok bilang senyales na bababa.
  • Sumigaw ng PARA - nangangahulugang hinto
  • At hilain ang kawad para sumenyas nang pagbaba. Pull the string to stop daw.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...