Sunday, August 28, 2011

Maikli ang Long Weekend ko!

Sigurado akong laman ng ibat-ibang facebook status at twitter tweets ang topic na LONG WEEKEND.

Alam ko din na halos lahat ay masaya para sa bakasyon na ito ngunit hindi ako. Dahil sa 4 na araw na bakasyon sana, ay 3 araw may pasok ako.

Nagkataong sabado ang gaganaping Post Graduate Course ng St. Lukes Medical Center. Doon ay mayroong exhibit ang aking kumpanya bilang sponsor at ako ang kailangang magtao. Ang araw ng linggo naman ay para sa service, halos 3 oras ng aking umaga ay sa simbahan at 3 oras din sa gabi. Umaattend kasi ako ng isang workshop sa  ibat-ibang paraan ng panalangin.

Ang pinakamasakit sa akin ay ang araw ng Lunes at Martes. Sa holidays na ito, ay magkakaroon ng product training ang aming dibisyon. Ang magtuturo ay mula sa bansang Japan na siyang principal ng aming kumpanya. Sa dinami-dami ng mga araw na pwede silang bumisita dito ay nagkataon pa na sa araw ng holidays.

Sabi nila, kapag pumasok ka ng holiday ay double pay, pero hindi sa kumpanya namin. Offset na lang daw ang dalawang araw na ipapasok namin sa mga regular na araw. Ganyan talaga ang buhay sales at medrep.


2 comments:

  1. Parang lugi ata pag hindi double pay ah. Hmm. Be positive! All is well! :D

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...