Sunday, August 28, 2011

Hagupit ng Lamok

http://mediworldrkr.blogspot.com/
Ayon sa Department of Health, 321 Pilipino na ang namatay sa Dengue mula sa simula ng taong ito. 517 naman  ang namatay noong 2010. Samakatuwid, mas nakamamatay pa ang sakit na ito kaysa sa kahit ano pang sakunang dumaan sa Pilipinas, baha, landslide, lindol, at bagyo sa loob ng 2 taon.

Ang magandang balita ay, ang ating gobyerno at filipino scientists ay nagtutulungan sa pagtuklas ng vaccine at  ibang devices upang makontrol ang pagdami ng Aedes Aegypti, ang lamok na nagdadala ng sakit. Sa kasalukuyan, Ang Research Institute of Tropical Medicine, ay nagsaasaliksik at nagsusubok ng mga bakuna na inaasahang may epektibong resulta. Ito ay nangangailangan pa ng masusing pagaaral at maaaring maging available sa merkado pagkatapos ng 2 taon.

Ang DOH  naman ay may natuklasang bagong strain ng Dengue sa Ilocos provinces at ang mga kababayan nating may mas maitim na balat ang karaniwang nagkakasakit mula dito.

Maliban sa patuloy na pagpapaalala ng ating gobyerno patungkol sa pagiwas sa sakit.  Nais ko pong ipabatid sa inyo na simulan natin sa ating mga sarili ang pagiingat. Maaaring gumamit ng kulambo, insect repellents, at tiyaking malinis ang paligid lalo na ang mga bagay na maaaring maimpukan ng tubig na siyang binabahayan nang lamok.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...