Monday, August 29, 2011

Social Media Sites: Dahilan nga ba ng pagkalulong sa bisyo?

http://blog.newscollective.com/blog/social-media-sites-or-job-portals/

Ang mga kabataang naglolog-on sa mga social media site ng limang (5) beses sa isang araw ay maaaring gumagamit ng sigarilyo, tatlong (3) beses naman ay maaring umiinom ng alak at dalawang (2) beses ay maaaring gumagamit ng marijuana. Ito ay ayun sa survey na ginawa ng Columbia University's National Center on Addiction and Substance Abuse (CASA) sa Amerika. Ang survey ay  ginawa sa mahigit 2,000 kabataang Amerikano na naggugugol ng sapat na panahon sa ilang social media site tulad ng facebook at twitter.

narito ang buong balita.

***
Ang paggamit  ng mga social  media network ay di nangangahulugang pagkalulong sa ibat-ibang bisyo. Ito ay maaring naisama sa mga posibleng dahilan, marahil na rin sa mga nakikitang mga litrato, artikulo at personal na experience ng kapwa social media user na di nasasala ng mga social media provider. Kilala pa naman ang mga Pilipino bilang Social media addicts. Number 1 users tayo ng FB, Tumblr, Friendster atbp. Karamihan sa mga pinoy users ay estudyante kaya nararapat natin silang bigyan ng patnubay at babala.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...