Dapat ba akong sumagip ng buhay kapalit nang sa akin? Kailangan ko bang sumulat ng mga nobela, tula, lathalain at maikling kwento tulad ng ginawa ni Dr. Jose Rizal? Kailangan ko bang bumuo ng grupo tulad ng 'Katipunan' para ipaglaban ang bayan?
Ano ba ang nasa isip ng ating mga bayani nang kasaysayan noong panahon nila? Hindi ba gusto nilang magkaroon ng kalayaan ang ating bayan? Hindi ba gusto nilang ibalik sa mga Pilipino ang kanilang mga karapatan?
Naisip ko lang: Hindi sila nagpakabayani para sa kanilang mga sarili. Kundi para sa atin- sa kanilang susunod na henersayon.
Siguro nagtagumpay nga sila sa kanilang kabayanihan, naibigay nga sa atin ang kalayaang kanilang pinapangarap. Ngunit hindi natin makakatwa na tayo, ang Piipinas, ay parte pa rin nang tinatawag na 'Third World'. Maraming nagugutom, walang trabaho at walang matirhan. Marahil hindi pa tapos ang laban na ating mga bayani. Hindi ito matatapos hangga't maraming nagugutom, walang hanap-buhay at pakalat-kalat sa lansangan.
Pero ano ba ang aking mgagawa? Di ko pa alam. Ngunit ano man ang gawin ko, alam kong hindi ito para sa akin, kundi para sa ating susunod na henerasyon. Sa ating mga anak, apo, at mga apo ng ating mga apo.
I hear someone said before that, Dreamers who are awake are very dangerous compared to those who are sleeping and are dreaming.
ReplyDeleteThose who Dream and are awake can make their dreams come true but those who are sleeping can't do anything to make things happen.
Wish you all the best Keith!
Traffic = $$$
Medyo delayed na nga plan ko, na tumulong via World Vision. Pero sana matuloy pa din. :P Kahit man lang isang bata makatulong ako.
ReplyDeletehttp://www.dekaphobe.com/
Hindi ko kelanman pinangarap na maging bayani. Hehe.Nung bata ako, gusto ko isipin ang mga susunod na henerasyon. Ngayon, gusto ko lang maging responsable. Hanggang dun na lang. Di ko kayang maging bayani, dakila o martir. Hehe
ReplyDeletemedyo natangalan akkkko sa pagbisita. Sinulit ko lang ang bakasyon. halos 3 araw ako sa isang isala ng marinduque. Kung may pagkakataon, susulat ao ng ilang entrada dito. :)
ReplyDeleteMaraming salamat sa mga komento. :)