Friday, August 24, 2012

Open 24hrs

Natakot ako para sa isang kaibigan ni Cookie- si Che. Si Che ay maganda, maputi, may matapang at may kawili-wiling personalidad. Pero may isang ugali si Che ba lubos kong ikinatakot para sa kanya.

***

Alam ni Che na meron siyang kakaibang kagandahan. Kapansin-pansin ito sa paulit-ulit na paguungkat o pagyayabang sa mga reaksyon ng mga lalaking nakakasalamuha niya. At dahil nga naman sa kanyang katangi-tanging pisikal na kagandahan ay maraming nagpaparamdam at nagpapakita ng intensyon kay Che. Gustong-gusto naman niya na binibigyan siya ng importansya. Ginagamit niya ang kanyang kagandahan para makakuha ng pabor mula sa ibang tao. Mula sa mga regalong bag, sapatos at libreng mga pagkain sa mga mamahaling resto galing sa mga lalaking nagyayayang lumabas kasama siya.


Ang tangi lang problema ay meron na siyang kasintahan. Naiinis ako dahil pumapayag siyang makipagDate sa iba para lang sa mga pabor na iyon. NapakaUnfair ito para sa boyfriend niya. Pumapayag siyang halikan pa ng iba. Dumating pa nga sa punto na muntik na siyang magahasa dahil sa ganitong mga kilos. Inakala nang isa niyang katrabaho na easy-to-get sya. Ayun, ikinulong sa bodega ng opisina at muntik nang mapagsamantalahan.

Pero mukhang isang malaking suntok sa kanya ang pagtatapat nang isang kaibigan babae. Habang kami ay nagkwekwentuhan ay nasabi nito na "Alam mo Che, para kang isang Carinderia, bukas para sa kahit sinong gustong kumain". Nagulat ako at hindi napigilan ang sariling magsalita. Di sinasadyang lumabas sa bibig ko ang mga katagang "24/7".

4 comments:

  1. parang pick-up line lang hehe..

    buti hindi natuloy ang panggagahasa!

    sana magbago na si Che :(

    ReplyDelete
  2. Nilipat siya ng department pagkatapos nang mga nangyari. :(

    Nais ko siyang tulungan, hindi ko nga lang alam kung paano. Sa huling pag-uusap namin, hindi nya raw alam na ganun pala ang napapakita ng mga kilos nya. Hindi nya din daw intensyon na magpakita ng motibo. Para sa kanya, pagkakaibigan lang daw yun. Yun mga regalo, hindi nya tinatanggihan dahil daw hindi naman niya ito hiningi at kusa namang ibinigay.

    Kung ganun man ang sitwasyon, alam kong wala akong karapatan para sabihing nagkakamali siya. Maaaring para sa akin, ang kilos niya ay mali pero para sa iba ay normal lang.

    ReplyDelete
  3. Meron din akong kakilalang ganyan, minsan pag pinagsabihan mo ikaw pa masama, hehe, kaya dedma na lang..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...