Sunday, May 13, 2012

Nabigay mo na ba ang 100% mo?

Maraming beses ko nang ibinigay ang aking 100% sa mga bagay na aking gagawin. Ngunit sa kada limang gawain na ipinagalayan ko ng aking 100% ay isa lang ang nagtatagumpay.

E kung ganun naman pala, eparang nakakapagod magbigay ng 100% no?  Kasi kahit ibigay mo pa ang 100% mo, alam mong hindi pa rin magiging 100% ang resulta ng ginawa mo.

Ngunit meron akong bagay na natutunan. Ang gawain, kapag ibinigay mo ang iyong buong makakaya, hindi man magtagumpay ay unti-unti naman nitong naaabot ang goals mo. Parang nong nagsimula akong mag-aral magdrive. Ibinigay ko naman ang 100% ko para matuto, pero sa loob ng isang araw ay sampung beses pa rin akong namamatayan ng makina. Ngunit hindi ako sumuko, ibinigay ko pa rin ang buong makakaya sa bawat subok kong magmaneho hanggang sa di  ko na namamalayan na hindi na ako tumitirik sa gitna nang kalsada. Hindi pa rin ako magaling mag-drive ngunit dahil nagbigay ako ng aking 100%, unti-unti akong gumagaling. Tumataas kasi ang standards natin kapag nabibigay natin ang lahat ng ating makakaya.

Gusto nyo ba malaman kung anong  resulta kung lagi nating ibibiigay ang 100% natin? Ito ang tinatawag na dedikasyon. Panoorin nyo  ang video ni Bruce Lee.

Ang video ay mula sa youtube.com
A 2009 Chinese commercial for Nokia.

Mga kaibigan, inaanayahan ko kayong ibigay ang 100% natin sa trabaho, pamilya, kaibigan, negosyo, pag-aaral at sa lahat ng bagay na gagawin natin.

2 comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...