Wednesday, May 16, 2012

Dumadaan Ka Ba Sa Matinding Pagsubok Ngayon?


Di ko alam kung ilang pagsubok na ang napagdaanan ko. Pagsubok sa buhay tulad ng sa pinansyal, sa pagibig, sa mga relasyon sa kaibigan, kamag-anak, pamilya at mga mahal sa buhay, sa oras, sa aking mga talento at sa pang-ispiritwal. Sa totoo lang, hindi ko talaga mabilang kung ilan na. Hindi ko na rin kayang isa-isahin pa sa dami.  At lalong di ko na rin alam kung ilan sa mga ito ang nalagpasan ko ng matagumpay o ilan sa mga ito ang bumigo sa akin.


Naikumpara ko pa nga ito, mga pagsubok, sa apoy. Mainit, masakit, nakakapaso. Pwede ka  nitong sirain at pwede ka rin nitong patibayin. Depende na lang kung paano mo ito panghahawakan.



Ang importante ay laging mong matandaan. 'Na ang apoy na tumunaw sa matamis na asukal ay siya rin tumunaw at nagpatigas sa matibay na bakal.'

Hiniram ang larawan sa: http://buildingthecontinuum.files.wordpress.com/2012/03/heart-on-fire.jpg

2 comments:

  1. sa una nakakabuysit ang mga pagsubok.

    masakit sa ulo lalo na sa PUSO.

    pero sabi mo nga, ang mga ito'y nagpapatibay sa atin.

    I couldn't agree more kuya keith.

    very nice.

    :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...