"Magmahal ka kapag nakalimot ka na. Hindi yun magmamahal ka para makalimutan s'ya."
Kahit kailan ay hindi ko naranasang magmahal para makalimutan ang taong nagbigay sa akin nang saya at ang taong nagpakita sa akin ng pagmamahal. Dahil siguro sa personal ko itong desisyon. Dumating na din naman ako sa punto na 'Mahalin ko kaya siya para hindi ko maisip yun sakit na nararamdaman' pero kapag naiisip ko naman yun taong mamahalin ko, nakakaramdam ako ng hindi patas na pagpapahalaga.
Kung magmamahal ka para makalimot lang, ihanda mo na ang sarili mong masaktan. Pwede ka niyang iwan kapag nalaman niya ito, sa puntong ikaw na ang nagmamahal sa kanya. Pwede ka rin maipit o mapako dahil hindi mo alam kung paano lalabas sa relasyong ikaw mismo ang nagbigay buhay. Itanong mo na din sa sarili mo kung sa mga oras na gusto mo na siyang iwan, Paano? Kailan?. Sinayang mo lang ang oras mo at ang oras ng iba. Kung hinintay mo na lang sana na naghilom ang sakit. Baka sa panahon na pinipilit mo ang sarili mong mahalin ang taong tinuring mong panakip-butas, ay dumating na pala ang taong itiinadhana para sa iyo.
Kung magmamahal ka rin lang naman. Bakit di ka pa magmahal nang totoo. :)
Magmahal ka na nga naman ng totoo! Wag kakalimutan ang Golden Rule! May karma. :)
ReplyDeleteagree with @vallarfax
ReplyDelete^Tama, nagawa ko nga pala ang blog entry na ito para sa aking kaibigang medrep. :)
ReplyDelete