Saturday, August 13, 2011

Si 'One Tough Cookie'

Nakilala ko si 'One Tough Cookie' sa bundok ng mga Anito. Nakakapanlamig ang kanyang mga ngiti. Nagdadagdag init naman ang kanyang mga tawa. Wari'y di ko kayang timplahin ang pakiramdam. Para bang naglalaban ang init at lamig.

Sa lugar na iyon, ay di ko akalain makikilala ang babaeng mamahalin ko. Akala ko noon una ay di Siya ang tipo ko. Nangungulit at nagpapapansin. 'One Tough Cookie' daw sya.. ayaw papigil.


OTC: Para kang pustiso.
Keith: Huh? Bakit?
OTC: I can't smile without you.

OTC: Crayola ka ba?
Keith: ??
OTC: Ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko.

OTC: Papicture tayo!
Keith: Sige ba.
OTC: Para ma-develop tayo!

OTC: Centrum ka ba?
Keith: ??
OTC: Kasi you make my life complete!

OTC: Pwede ba kita maging driver?
Keith: Haha.. may bago ka nanaman.
OTC: Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..


Sa huling gabing iyon ay di makatulog. Di ko alam kung naiinis sa mga banat n'ya. Ngunit nahuli ko ang sariling tumatawa at nangingiti magisa. Parang nababaliw. Bakita parang namimiss ko s'ya.

Mabilis ang sasakyan pababa sa zigzag na daan mula sa bundok. Nakatingin lang ako sa langit at nagmamasid sa kagandahan ng paligid. Sa bawat pagkakataon, siya ang nagiging laman ng aking isipan. Mula sa langit ay bumagsak ang isang bulalakaw, sabi nila kapag may nakita kang bulalakaw at gumawa ng hiling. Wala akong naiisip na kahit anong ihihiling, pero iyan nanaman ang mukha at mga ngiti nya, ayaw umalis sa pagkakatambay sa isip ko.

Matapos ang ilang araw ay niyaya ko s'yang kumain. Doon lang sa isang karinderya na malapit sa aming paaralan. Naibahigi ko ang kwento patungkol sa mga bulalakaw, laking gulat ko ng sabihin nya sa akin na mula sa bus na sinasakyan n'ya ay nakita n'ya rin ang bulalakaw na aking sinasambit at sa pagkakataong iyon, ay ako din daw ang kanyang naiisip.

Ngayon, ang 'One Tough Cookie' na ito ay aking pakakasalan.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...