Maraming beses ko nang itinanong sa aking sarili kung kelan man naging pantay ba ang mayaman sa mahirap. Wari hanggang ngayon ay di ko malaman ang sagot sa tanong na iyan.
Ako po ay isang ahente, pharmaceutical representative, sa isang kilalang kumpanya ng mga gamot. kami po ang mga 'detailer' o mga tagapagpromote ng mga gamot upang ireseta ng mga doktor. Sa trabahong ito, madalas ay nagkakasabay-sabay kaming mga ahente sa paghihintay sa aming mga doktor upang sila ay makausap tungkol sa aming mga produkto. Kadalasan pa nga, habang naghihintay kami ay nagkakabiruan at nagkakakwentuhan.
Isang araw, nasalubong ko ang isang ahente mula sa isang multinasyonal na kompanya. Mukhang siyang mabango, at kay linis tignan. pero kapuna-puna ang kanyang damit na mukhang hindi naplantsa. Sabi ng isang medrep na babae ' GUSOT MAYAMAN' daw ang tawag dun. Ngunit nakakainis isipin na minsan ay may biniro sila ng isang ahente na 'BAKA HABULIN KA NG PLANTSA'. Dahil ba ang isang ahente na ito ay mula sa lokal na kumpanya, walang kotse at 'generic' daw ang gamot nya.
Kapag mayaman, Gusot mayaman. Pero kapag mahirap. Habulin ka ng plantsa.
Nakakatawa/nakakatuwa ang iyong blog. Sana ay ipagpatuloy mo ito. Haha. :)
ReplyDeleteSalamat po! Masarap sa aking kalooban na ako'y makapagpasaya sa aking mga simpleng pagsulat. Dalangin ko na maibahagi sa inyo ang ilan sa mga pangyayari sa aking buhay na maaaring magbigay nang mabubuting aral. Asahan n'yo pong pasasayahin ko kayo sa bawat pagbisita sa blog na ito. :)
ReplyDelete