Isang linggo na ang nakalipas, may isang MedRep ang nakita kong nagiisa at malungkot habang naghihintay sa isang doktor naming kliyente.
"Keith, sobrang sama ng pakiramdam ko. nakakuha ako ng komisyon na P52,000.00.", sumbong niya.
Hindi ko alam kung dapat ba ako maawa o matawa. "So, anong masama dun?", tanong ko sa pagtataka.
"Alam kong malaki na ang P52,000 pero sobrang sama sa pakiramdam dahil sana P63,000 dapat yun. Malaki pala ang kaltas sa tax. Dahil dun P52,000 lang ang nakuha ko, may mga plano pa naman akong bilhin", sagot niya habang umiiling.
Para mabawasan ang bigat ng nararamdaman, isinama ko na lang siya sa lunch kasama ang iba pang mga MedRep.
Habang kumakain ay may isang Sales Rep ng mga equipments ang manlilibre ng isang litro ng softdrinks.
"O, bakit ka manlilibre?", maingat kong pagtanong. Baka kasi mabawi pa ang libre.
"Masaya ako, nakakuha kasi ako ng P3,000 incentive.", nakangiti niyang sagot.
Natawa ako ng malakas. Pinakita niya sa akin ang tunay na kahulugan ng "Gratitude".
Sino ang tunay na mayaman? Ang MedRep na nakakuha ng P52,000 o ang SalesRep na may incentive ng P3,000?
Sagot: Yun nakakuha ng P3,000.
Ang pera o yaman ay di nasusukat sa dami nito. Kundi sa kung gaano mo ito pinapahalagahan at ipinagpapasalamat.
Tama! :)
ReplyDeletehttp://iifatree.blogspot.com/
May mga tao talagang hindi appreciative sa buhay nila. :\
ReplyDeletehttp://dekaphobe.blogspot.com