"Nagustuhan mo ba ang aking business at marketing plan?" tanong ko.
"Oo, maganda sya" sagot ng aking kaibigan.
"At kailan ka na maaaring magsimula" tanong ko ulit.
"Huwag muna ngayon, mag ba-Valentines e. May mga plano ako para kay GF." sagot ng aking kaibigan.
Marso, muli kaming nagkita.
"Kamusta? handa ka na ba?" tanong ko.
"Hmm.. Keith, pwede bang next month kasi ako ang incharge sa Summer reunion namin sa Boracay." sagot niya.
"Ahh ganun ba. Oks lang" sagot ko.
"Promise pagtapos nito" pahabol pa niya.
Hunyo, niyaya ko siyang magkape.
"Game?", tanong ko
"Maraming gastusin pre, enrollment ng kapatid ko, ako ang nagbayad." sagot niya.
Setyembre, reunion naming magkakaibigan.
"Pre, pasensya ka na hindi pa natin matutuloy ang business. Madaming trabaho sa opisina. Tambak ang mga folders pero promise pagnatpos ko lahat yun. Simulan na natin to" pagpapaliwanag niya sa aming pagkikita ng hindi ko siya tinatanong.
Nobyembre, nakachat ko siya sa FB.
"Pre musta?" tanong ko
"Keith, yun business natin pano na?. Sobrang dami ko pang gastos eh. MagChristmas na."sagot niya
"Promise after Christmas game na to" pahabol niya.
Enero, nagkita kami muli.
"Keith, ipon lang ako ha.. naubos sa Christmas at New Year eh. pero Promise pag meron na akong pera. simulan na natin" pagpapaliwanag nang hindi ko binubuksan ang topic sa pagnenegosyo namin.
Gintong Aral: Wala kang masisimulan kung hihintayin mo ang perpektong kondisyon o timing. Dahil mula't sapol, alam natin na sa mundong ito, WALANG PERFECT CONDITON.
Hindi nasimulan ang negosyo dahil sa mga excuses ng aking kaibigan. Ngunit bakit hindi ko sinimulan? Dahil ako din mismo ay naghintay sa perpektong kondisyon.
Hayaan mo siya. Maraming tao ang kelangan ng matinding push para matuloy ang plano.. :)
ReplyDelete"Greatness from small beginnings." :)
ReplyDeletehttp://iifatree.blogspot.com/
Procrastination...
ReplyDeleteMas madali pero wala kang patutunguhan with it...