Wednesday, February 15, 2012

Sa Araw ng mga Puso

Noon nakaraan ay humingi ako ng tulong sa inyo kung paano ko isecelebrate ang Valentine's Day kasama si Cookie. :) Sa haba ng pag-iisip at pagplaplano, walang natupad dahil ito ang mga nangyari:

09:00am: papunta sa Manila Doctors Hospital para sa isang blitz, Ang blitz ay isang programa uparng magpromote sa mga doktor sa pamamagitan ng sama-samang pagbisita nga mga boss at mga medreps na may dalang regalo, bulaklak, keyk, tsokolate atbp.

12:00-2:00pm: Nakabisita sa 3 doktor. Binigyan ng bulaklak at tsokolate.

3:00-4:00pm: dumating sa UST Hospital, bumisita sa isang doktor, ang aking boss ay nakipagkwentuhan kaya umabot ng 1 oras sa loob ng clinic. Sa mga oras na ito ay naghihintay sa akin si Cookie kasama ang mga katrabaho sa Charilie's sa Pasig.

4:00pm-4:30pm: sa tapat ng ospital ay may isang doktor na malapit sa aking puso. Bingiyan ko ito ng bulaklak para ibigay niya sa kanyang asawa at mga tsokolate para sa kanyang mga anak.

5:00pm: tumungo sa Quezon Ave. Naroon ang klinika ng isang kilalang doktor. Sa aming pagdating ay wala ito kaya agad kaming nagtungo sa St. Lukes. Sa mga panahong ito ay lumipat sila Cookie sa Pioneer Centre, Mandaluyong



6:00pm: di namin naabutan ang doktor at umuwi ito ng maaga. Ngunit pinapunta kami nito sa kanyang bahay malapit sa Tomas Morato. Si Cookie ay naghihintay sa Pionner at iniwan na ng mga kasama sa mga panahong ito.

8:00pm: natapos ang trabaho at papunta kay Cookie na naghihintay sa Pioneer. Ngunit tumawag siya para magkita na lang kami sa Centris sa Quezon Ave.

Sa Centris ay nagkape na lang kami at umuwi.

Sa madaling salita. Di kami nakapgcelebrate ng V-day :(

Kaya naman nakakaingit ang video na ito:



Kung wala kang valentino/valentina ngayon, wag ka mag-alala. Di pa tapos isulat ng Diyos ang iyong magandang LOVE STORY.

1 comment:

  1. Iba na talaga ang hectic. Ako naman nagpamanicure at pedicure kahapon.hehe. :)

    http://www.dekaphobe.com

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...