Friday, October 21, 2011

Paliparan

Maraming beses na akong nakagamit ang ating airport lalo na ang bagong NAIA Terminal 3 at NAIA Terminal 2 dahil sa karamihan nang aking mga paglalakbay ay sa loob lamang nang ating bansa (domestic). Masasabi ko na maganda naman ang T3 natin na hindi natin ikakahiya. Ngunit sa unang beses kong dumaan at gumamit ng ating lumang terminal 1 ay sadyang nakakalungkot dahil sa ilang mga punto:
  • Madumi ang CR, walang tubig at mapanghi
  • Sira-sira ang mga ceiling
  • Madumi ang mga floorings at tiles 
  • Ang tagal at ang haba ng pila sa immigration, pero makakalusot ka rin naman kahit pa expired na passport mo.
  • Kung local ka, alam mo kung  sino sa mga kasama mo o tao sa paligid mo ang magnanakaw o snatchers.
  • Malaki ang singil sa terminal fee ngunit di kapansin-pansin ang mga improvements ng paliparan.
  • Kung manggagaling ka naman sa ibang bansa, kapnsin-pansin ang mga taong gustong-gustong tumulong sa pagbubuhat ng gamit mo. Akala mo mababait ngunit pagkatapos tumulong ay naniningil. Pangmirienda lang daw. 
  • Pati security guards na pagtatanungan mo naniningil din. Lalo't higit sa mga bisitang foreigner.
  • Ang gulo nang Arrival area. Doon  tumatambay ang mga guards na akala mo tumutulong pero nangaabuso lang.
  • Sa  Arrival area din, langhap mo na ang polusyon ng Metro Manila.
Marami man ang negatibo sa aking obserbasyon. May pag-asa pa rin ako para sa ating international airport terminals.

May international list din pala nang mga pinaka di-magandang airports at ang ating NAIA Terminal 1 ang nangunguna! Narito ang listahan sleepingairports.net 

3 comments:

  1. oo di talaga maganda ang terminal 1 sobrang pinaglumaan... naisip ko nga nasasalamin lang nito ang gobyerno natin. :D

    ReplyDelete
  2. Tama ka Artiemous, dito unang nababase ang kaunlaran ng isang bansa. Sapagkat ito ang unang lugar na mapapansin ng mga taong papasok sa ating bansa.

    ReplyDelete
  3. sad state indeed. i hope somebody can do something about the state of NAIA... fast! with the holidays coming up.. Naia should be spic n span ready to be presented to the thousands of balikbayans.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...