Meron akong kaibigan mula sa college. Nagkakaroon kami ng pagkakataon na makapagkwentuhan sa facebook. Tuwing naguusap kami ay palagi syang nagkwekwento patungkol sa kanyang bagong trabaho. Ang sabi niya, nahanap na niya ang perfect job para sa kanya.
Minsan, naimbitahan ko siya sa aking 'networking business'. (Opo networking, part-time networker ako.) Negative siya kasi nahanap na daw niya ang perfect job para sa kanya. Ito na daw yun kumpanya na pinapangarap niya. Malaking pasahod, mababait na katrabaho, Magandang mga benepisyo. Nakakaexcite na mga gawain, challenging na position at mahal niya ang ginagawa niya.
Pagkalipas ng (2) dalawang taon, muli ko siyang nakausap. Sa pagkakataong ito disappointed siya sa kumpanya niya. Di na daw tapat ang kumpanya sa kanila, corrupt din daw ang mga bosses. Sa kanyang palagay ay di sila trinatrato at nirerespeto ng tama, lagi silang nagaaway ng boss niya, malabo din na mapromote pa siya, at hindi daw siya pinapasahod ng tama.
Makalipas ang (4) apat na buwan, masaya na siya ulit. Nakita na daw ulit niya ang kanyang Perfect Job.
***
Hay! Nakakalungkot. Siguro ganun na lang ang takbo ng buhay niya. Sana maisipan niyang magnegosyo. Kahit di tulad ng negosyo ko.
Wala namang perfect job kasi. :)
ReplyDelete