Thursday, December 15, 2011

Subukin ang Iyong Sarili

Subukan mong sagutan ang bawat tanong sa iyong buong makakaya.

Unang Bahagi:
  1. Magbigay ng limang pangalan nang pinakamayamang tao sa mundo.
  2. Magbigay ng  limang pangalan nang nanalong best actor/actress sa bansa.
  3. Magbigay ng limang pangalan ng nanalo sa Binibining Pilipinas.
  4. Magbigay ng sampung pangalan ng atletang Pilipinong sikat sa mundo.
  5. Magbigay ng sampung taong nabigyan ng Nobel Prize.
  6. Magbigay ng limang taong nakilala sa Philippine Blog Awards.

Kamusta ang mga sagot mo?

Ang punto ay, hirap tayong alalahanin ang mga taong naging matagumpay sa kasaysayan. Sila ang mga pinakamagagaling sa kanilang mga larangan. Subalit ang palakpakan ay humihina. Ang mga awards ay nasisira. Ang mga nagawa ay di na maalala. Ang mga sertipiko ay nalimot na,  kasabay nang mga nagmamay-ari nito.

Ikalawang Bahagi: Subukan kung mas madali ito.

  1. Maglista ng mga guro mong nakatulong sa iyo upang makatapos ng pag-aaral.
  2. Maglista ng tatlong kaibigan na tumulong sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan.
  3. Maglista ng limang taong nagbigay sa iyo ng mabuting payo.
  4. Maglista ng mga taong ipinakita sa iyo na ikaw ay espesyal.
  5. Magbigay ng limang taong alam mong nasisiyahan kapag ikaw ay kasama.
  6. Magbigay ng tatlong bayaning Pilipino na ang mga istorya ng buhay nila ay naging inspirasyon mo.
Ang Aral: 

Ang mga taong nagbigay sa iyo ng mabuting pagbabago at aral ay ang mga taong walang masaydong awards, walang masyadong kayamanan, walang masyadong kredensyal. Sila ang mga taong tunay na nag-aalala, tunay na nababahala at tunay na may pakialam.

3 comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...