Mula pa noong 1994 ay taon-taon natin ipinagdiriwang ang World Teacher's Day sa tuwing ika-5 ng Oktubre. Alam kong huli na ako para bumati at magbigay pugay sa aking mga naging guro pero hindi pa huli para magbigay kilala sa aking ina na isang guro sa Filipino at Panitikan.
Akala ko ay mayroon nang manliiligaw ang aking ina labing-tatlong (13) taon ang nakalipas ng pumanaw ang aking tatay. Nagulat ako sa dami ng mga bulaklak at tsokolateng kanyang dala ngayong gabi. Laking pagtataka ko hanggang sa makita ko ang isang artikulo sa yahoo.ph.
---
Sa 25 taon kong pamumuhay, 18 taon doon ay ginugol ko sa paaralan. Maraming guro na rin aking nakilala. Meron din akong mga naging paborito at meron ding hindi. May ibat-ibang istilo pa sila sa pagtuturo. Yun iba ay puro reporting, may mga puro exams, may mga dinadaan ang aralin sa mga kwento, may isa pa nga mga kwento patungkol sa buriko (pony). Ngunit ang hinding-hindi ko malilimot ay ang aking mga gurong may kakaibang linya.
I can SEE voices at the back! -sigaw ng isang guro ko sa kolehiyo.
E Kung saksakin na lang kita ng ballpen! - banat ng guro ko sa Aralin Panlipunan sa hayskul
Battle of the FETUS - sabi ng guro ko sa kolehiyo.
---
Sa aking mga guro, ako ay nagpapasalamat sa inyong mga naibahagi sa aking buhay. Salamat sa inyong paghahanda ng aming mga naging aralin. Pagtyatyaga sa pagkocompute ng aming mga grades. Pagchecheck ng aming mga exams at pagtuturo ng mga kagandahang asal na mula sa inyong personal na buhay at di mababasa sa mga aklat.
Para sa aking ina, naniniwala akong ikaw ang pinakamagaling na gurong aking nakilala.
Para sa mga naging at magiging estudyante ng aking ina, pasensya na kayo at limang taon na lang ay ipagdadamot ko na ang aking nanay. Dahil limang taon mula ngayon ay nais ko nang magpahinga siya sa pagtuturo at bigyan ng masaganang buhay na puno ng magagandang alaala ng paglalakbay at pagbabakasyon.
Happy Teacher's Day!
Thank you to all our educators. :)
ReplyDelete