Pagkababa ng telepono ay mabilis kong inayos ang aking mga gamit sa lamesa. 'Alis na po ako!' nagmamadaling paggpapalam sa aking boss. Tumayo ako sa aking lamesa. 6:00pm na pala, bitbit ang aking mga gamit ay kumaripas palabas ng opisina.
Ang daming taong naghihinntay sa elevator, nagkwekwentuhan at nagkukulitan. Ngunit kahit gaano pa kalakas ang mga boses ng mga taong ito, ay para akong nabibingi at walang marinig. Bumukas ang elevator.
Punong puno. Di ako makasakay. Pinagmasdan ko ang numero sa ibabaw. 6, 5, 4 at doon huminto ng ilang segundo. 3, 2 G. Muling umakyat ang elevator. Sa muling pagbubukas nito ay halos wala nang tao. Agad agad na nagtulakan ang mga naghihintay sa 6th floor. Naitulak ako papasok at iyon ay akin din naman ikinatuwa.
Punong puno. Di ako makasakay. Pinagmasdan ko ang numero sa ibabaw. 6, 5, 4 at doon huminto ng ilang segundo. 3, 2 G. Muling umakyat ang elevator. Sa muling pagbubukas nito ay halos wala nang tao. Agad agad na nagtulakan ang mga naghihintay sa 6th floor. Naitulak ako papasok at iyon ay akin din naman ikinatuwa.
Sa EDSA.
"'FTI.. FTI..!', sigaw ng konduktor ng bus. Nagmamadali akong sumakay. Umupo sa paboritong kong pwesto, pangatlong row, tabi ng bintana, sa upuang pantatluhan. Masarap talaga sa pwesto na iyon. Dahil tuwing dun ako nakaupo ay lagi akong nakakatulog sa byahe. Kahit na ba ang mga bus ng FTI ay hindi aircon. At sa tuwing tatakbo ito na parang roller coaster ay ramdam ko ang halik at yakap ng hangin sa aking mukha at katawan. Ngunit sa mga oras na iyon, bakit parang hindi ako makatulog at naninikip ang aking dibdib.
Pagbaba sa bus ay agad akong sumakay ng tricycle. 'manong, special na po' nagmamadali kong panawagan sa driver. Nanlalamig na ang mga kamay ko, pati na rin ang mga talampakan ko.
Sa tapat ng aming bahay ay nakita ko ang aking mga anak na naglalaro. Sa oras na 6:30pm, ay hindi ko na pinapayagan ang mga ito na maglaro pa sa kalsada. 'Nasan ang nanay n'yo? Magsipasok nga kayo sa bahay!', paggalit sa aking mga anak. Bakit kaya pinabayaan ng asawa ko ang mga anak naming naglalaro.
Pagpasok sa bahay ay nadatnan ko si Johanna, nagluluto ng hapunan. Hindi ko na ito agad pinansin. Ngayon lang nangyari iyon. Kadalasan, pagpasok ko pa lang ng bahay ay hinahanap ko na siya at binibigyan ng mahigpit na yakap at halik. Pero iba sa araw na ito!
Pagpasok sa banyo ay agad kong hinubad ang aking pantalon. Umupo ako sa inidoro. Sa wakas ay umaaboot din! Doon ko nagpagtanto. There is no place like home!
No comments:
Post a Comment