Saturday, August 27, 2011

Duwag o Matapang

Sabi nila ang mga Pilipino ay sadyang masiyahin. kahit pa naghihirap, maraming problema at walang kasiguraduhan sa pangaraw-araw na paamumuhay ay nakukuha pang tumawa at magpatawa.

Ang mahirap sa pagiging masiyahin at nagpapatawa ay tinatago nila ang kanilang tunay na nararamdaman. Nagpapatawa sila para malihis ang atensyon sa problema at kung minsan ay sinasadyang magpakasaya. Pero ang higit na mahirap ay kung kailan mo malalamang sila ay seryoso na pala.

Ang totoo, karamihan sa kanila ay nagpapatawa para hindi mahalatang malungkot din sila. Tinatago ang pangamba at pagaalala.

Sa inyong palagay, ang mga taong ito ay duwag ba o matapang? Duwag dahil ayaw nila ipakita ang kanilang tunay na nararamdaman o matapang dahil kaya nilang itago ang sakit na kanilang dala-dala?



1 comment:

  1. Duwag o matapang? Wala siguro sa dalawang ito. Kahit na puro kurapsyon at kahirapan ang nangyayari sa atin, masaya pa din tayo dahil pinoy tayo. Innate na kung baga. Sadya lang talagang ganito ang ugali natin kahit na ano pang unos ang mga dumating. At yun ang kaibahan natin sa ibang mga lahi. (Syempre, bukod pa dun ang nakakalungkot na crab mentality na yan.)

    Opinyon ko lang naman. =)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...