Wednesday, March 20, 2013

HAPPILY EVER AFTER..

May nagtanong sa akin:

 'Bakit daw madaling maka-moveon ang mga lalake kaysa sa mga babae?'- Anonymous 

Hindi totoong madaling nakakamove-on ang mga lalake pag natatapos ang relationships nila. Dinadaan nga namin minsan sa inom, lakwartsa at barkada diba? Kaya lang minsan sa tingin ng iba, kapag ginagawa namin ang mga ito ay nakaMOVE-ON na daw kami. E sadyang ito lang naman ang mga natural na paraan para makaMove-on ang mga lalake. Yun paglilipat ng atensyon namin sa ibang bagay para makalimutan ang sakit na nararamdaman. Dahil dito, nagagawa naming makalimot nang napapangalagaan ng pagkalalake namin. Alam naman nang lahat na importante din samin ang imahe namin, "Imaheng tunay na lalake at pagiging brusko". Pero ang hindi nyo alam, kapag mag-isa na lang kami ay naiisip din namin ang panghihinayang. Panghihinayang sa mga oras na nilaan at inalay para sa taong mahal. Panghihinayang sa mga pangarap at planong di natuloy kasama ang dating kasintahan. Panghihinayang na bakit hindi naging 'HAPPILY EVER AFTER' ang ending nang aming istorya.

Maari po kayong magtala sa "Magtanong kay Kuya Keith" tab kung mayroon kayong mga katanungan.

4 comments:

  1. Tama! Hindi kasi pinapakita pero deep inside nasasaktan din naman.

    ReplyDelete
  2. Di naman ganyan lahat ng mga lalaki. Compared sa babae mas madaling mka move on yung lalaki kasi nga pd nmn yung lalaki ang maghanap agad.

    ReplyDelete
  3. Very interesting blog. A lot of blogs I see these days don't really provide anything that attract others, but I'm most definitely interested in this one. Just thought that I would post and let you know.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...