Saturday, November 3, 2012

5 Lugar na Gusto Kong Makita Bago Ito Mawala

Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang mga balita tungkol sa mga Sakuna. Meron, lindol sa Canada at Tsunami sa Hawaii. Ang huli ay ang malakas na Bagyong tumama sa East Coast ng Estados Unidos.

Bigla kong naisip, paano kung di ko na makita ang ilang mga magagandang lugar dahil sa mga pagbabago sa klima at sunod-sunod na kalamidad? :(

Siguro hindi man ako magiging maswerte na mabisita ang lahat ng ito bago pa ito mawala, pero alam kong meron akong magagawa, maliliit man na paraan, para makatulong sa mabilis na pagbabago ng mundo.

1. Great Barrier Reef


Pinakamalaking Coral Reef System sa mundo. Makikita ito sa Coral Sea sa Queeensland, Australia. Meron itong mahigit-kumulang na 3,000 indibidwal na reefs. Hindi ako marunong mag SCUBA diving pero ang makita ito ang isa sa pinkamagandang karanasan maaaring mangyari. Sana kung magkaroon lang ako ng resources para matuto mag SCUBA  at pamasahe makarating lang sa Australia. 



2. Antartica 


Nuong ako ay nasa elementarya ay naituro na ito bilang isang kontinente na matatagpuaan sa hilagang bahagi ng mundo. Dito matatagpuan ang South Pole. Sa pagkakaalam ko, iilang tao lang ang nakatira dito at halos lahat sila ay naroon para magsagawa ng pag-aaral. Wala akong masyadong alam sa Kontinente na ito, basta ang sigurado ako, gusto kong makita ang mga Penguins na malayang naglalaro sa Antartica.
3. Egyptian Pyramids


Ito ang pinaka-kilalang istraktura ng sinaunang Ehipto. Meron itong mahigit 100 pyramids na karamihan ay tinatayang libingan ng mga Pharaohs ng  bansa. Ang pinaka-sikat sa mga ito ay ang mga Pyramids sa Giza ng Cairo. Sana maabutan ko ang mga ito bago pa sila masira. Gusto ko kasing maligaw sa loob nito at makalabas nang may dalang mga kayamanan sakay ng magic carpet ni Alladin. O kahit makalabas lang nang may dalang kayamanan. :)
4. Grand Canyon


Wala akong alam tungkol dito maliban sa napapanuod at nakikitang magagandang larawan. Matatagpuan ito sa Colorado Rivers ng Arizona. Picture taking lang solve na ako.
5. Great Wall of China


Ang malaki at mahabang pader na ito ay binuo para protektahan ang chinese empire sa mga nais pumasok at manakop sa bansa. Sinasabing mahigit 20,000 km ang haba ng pader na ito. Ito rin ang tanging likha nang tao na makikita mula sa kalawakan. Makapag-jogging lang sa pathways ng pader na ito, at makapagpicture at ma-post sa FB ay isang pangarap na parang madali naman makamtan dahil sa lapit at madaling puntahan mula sa Pilipinas.

Maliban sa limang ito ay nais ko rin makita ang Puerto Prinsesa Underground River, Rice Terraces, Mayon Volcano at marami pang lugar sa Pilipinas. Ngunit hindi ko na ito sinama sa listahan dahil malaki naman ang pagkakataon na maaari ko itong mapuntahan kumpara sa limang nakalista sa itaas.


Pinagmulan ng mga larawan:

*Great Barrier Reefs - http://www.zmescience.com/ecology/environmental-issues/cryogenics-coral-reef-28112011/
*Antartica -http://travel.nationalgeographic.com/travel/your-antarctica-photos/#/auster-rookery-juvenile-emperor-penguin-antarctica_34418_600x450.jpg
*Egyptian Pyramids-http://www.sciencedaily.com/releases/2008/03/080328104302.htm
*Grand Canyon- http://www.incadventures.com/trips/grandcanyon/grand_canyon_skywalk.php
*Great Wall of China -http://www.crystalinks.com/chinawall.html



7 comments:

  1. Gusto ko din makita ang Great Wall at Pyramids.. Yun Great Barrier Reef din sana kaso hindi naman ako marunong lumangoy :)

    ReplyDelete
  2. Kaya naman yan. :) Konteng diskarte lang. Ako next year try ko Southeast Asia. Tsaka na yung medyo malayo. :)


    http://www.dekaphobe.com/

    ReplyDelete
  3. yung number 3,4,and 5 was also on my top 10 list of places i wanna go before i die..sana mapuntahan naten yan..mapupuntahan naten yan :)

    ReplyDelete
  4. Tama, kaya natin mapuntahan yan mga lugar na yan. Pero sana maabutan natin bago pa ito masira ng tuluyan.

    ReplyDelete
  5. Parang gusto kong makita ung number 2 -- ung may penguin hehehe

    Sana wag silang mawala....at maabutan pa ng mga susunod na henerasyon...

    ReplyDelete
  6. Tama ka JonDmur. Dapat itong pangalagaan.

    ReplyDelete
  7. maganda din to see those in real kasi mas masarap tingnan kaysa mga pictures lang haha

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...