Nitong mga nakaraang araw ay wala akong mga mai-blog. Hindi dahil sa wala akong maisip na topic na ibabahagi sa inyo. Kundi dahil wala akong natitirang oras para makapagsulat at magkompyuter. Dumating ang aking mga boss mula sa Japan. Nagkaroon kami ng product training patungkol saa aming mga produkto kaya umuuwi akong laging pagod at nais nang matulog para makabawi ng lakas.
Paumanhin sa mga bumibisita ngunit walang nakikitang update. Mula bukas ay susulat ulit ako.
Salamat!
Ang Gusot Mayaman ay naglalaman ng mga saloobin ng isang simpleng taong gustong umunlad sa buhay. Naniniwala akong ang barong na Gusot Mayaman ay di lang para sa may kaya sa buhay, ngunit para din sa mga nangangarap. Balang araw ang barong ko ay Gusot Mayaman!
Wednesday, August 31, 2011
Monday, August 29, 2011
Social Media Sites: Dahilan nga ba ng pagkalulong sa bisyo?
http://blog.newscollective.com/blog/social-media-sites-or-job-portals/ |
Ang mga kabataang naglolog-on sa mga social media site ng limang (5) beses sa isang araw ay maaaring gumagamit ng sigarilyo, tatlong (3) beses naman ay maaring umiinom ng alak at dalawang (2) beses ay maaaring gumagamit ng marijuana. Ito ay ayun sa survey na ginawa ng Columbia University's National Center on Addiction and Substance Abuse (CASA) sa Amerika. Ang survey ay ginawa sa mahigit 2,000 kabataang Amerikano na naggugugol ng sapat na panahon sa ilang social media site tulad ng facebook at twitter.
narito ang buong balita.
***
Ang paggamit ng mga social media network ay di nangangahulugang pagkalulong sa ibat-ibang bisyo. Ito ay maaring naisama sa mga posibleng dahilan, marahil na rin sa mga nakikitang mga litrato, artikulo at personal na experience ng kapwa social media user na di nasasala ng mga social media provider. Kilala pa naman ang mga Pilipino bilang Social media addicts. Number 1 users tayo ng FB, Tumblr, Friendster atbp. Karamihan sa mga pinoy users ay estudyante kaya nararapat natin silang bigyan ng patnubay at babala.
Pull the String to Stop
Tatak na nang buhay Pinoy ang Jepney. Wala yatang Pilipino ang hindi nakakakilala dito. Kahit pa Igorot ng Banaue at Maranaw ng Maguindanao. San man dako ng Pilipinas, sigurado ay may dyip.
Hari ng kalsada ang pagkakakilala natin sa Jeep. Ito ang pangunahing pampublikong transportasyon sa ating mga lansangan. Kilala ito sa natatanging tulin at ingay. Meron din itong ibat-ibang desenyo. Yun iba pa nga ay may mga kabayo at banderitas sa unahang parte-sumisimbolo sa ating pagiging masiyahin. May mga ilang dyip na may imahe ni Kristo at mga santo-nagpapaalala sa pagiging makaDiyos ng mga Pilipino. Meron din iilan na may pangalan at litrato ng pamilya-nagpapakita ng ating pagpapahalaga sa pamilya.
Lumaki ako sa pamilyang di mayaman, walang sariling sasakyan kaya madalas ay nakadyip lang. Marami akong ala-ala sa bawat sakay sa dyip. Kasama dun yun unang kandong ni Papa sa akin nung papunta kaming Manila Zoo. Nandun din yun, binibigay sa akin ni Mama ang pera pambayad para iabot, pero madalas ay nahuhulog ko ang barya. At ang mga pagkakataong ikinakandong ko si Kuya Kool na aking nakakabatang kapatid. Hinding-hindi ko din malilimot ang pagtakas ko sa konduktor ng aming school service nung elementarya para makapagcommute. Paborito ko nun yung dyip na may kakaibang tunog ng makina-parang sumisipol na garalgal. Gusto ko pa ay nakasabit kahit na maraming upuan sa loob. Kaya madalas ay napapagalitan ako ng drayber.
Sa dyip ko na din natutunan ang ilan sa mga importanteng kasabihan nating mga Pilipino.Hehe, malalim na mga kasabihan. Ito ang ilan:
Ginawa ko ang blog post na ito upang maipakita ang malaking bahagi ng Jeep sa aking buhay at kulturang Pilipino. Sana ay patuloy nating sakyan ang mga dyip upang maikwento natin sa ating susunod na henerasyon ang ilang mga kwentong dyip tulad nito:
Hari ng kalsada ang pagkakakilala natin sa Jeep. Ito ang pangunahing pampublikong transportasyon sa ating mga lansangan. Kilala ito sa natatanging tulin at ingay. Meron din itong ibat-ibang desenyo. Yun iba pa nga ay may mga kabayo at banderitas sa unahang parte-sumisimbolo sa ating pagiging masiyahin. May mga ilang dyip na may imahe ni Kristo at mga santo-nagpapaalala sa pagiging makaDiyos ng mga Pilipino. Meron din iilan na may pangalan at litrato ng pamilya-nagpapakita ng ating pagpapahalaga sa pamilya.
Lumaki ako sa pamilyang di mayaman, walang sariling sasakyan kaya madalas ay nakadyip lang. Marami akong ala-ala sa bawat sakay sa dyip. Kasama dun yun unang kandong ni Papa sa akin nung papunta kaming Manila Zoo. Nandun din yun, binibigay sa akin ni Mama ang pera pambayad para iabot, pero madalas ay nahuhulog ko ang barya. At ang mga pagkakataong ikinakandong ko si Kuya Kool na aking nakakabatang kapatid. Hinding-hindi ko din malilimot ang pagtakas ko sa konduktor ng aming school service nung elementarya para makapagcommute. Paborito ko nun yung dyip na may kakaibang tunog ng makina-parang sumisipol na garalgal. Gusto ko pa ay nakasabit kahit na maraming upuan sa loob. Kaya madalas ay napapagalitan ako ng drayber.
Sa dyip ko na din natutunan ang ilan sa mga importanteng kasabihan nating mga Pilipino.
- Basta Driver, Sweet Lover.
- Hudas not Pay
- Bayad muna bago baba
- No ID, No Discount
- Pag seksi libre, pag siksik doble.
- Ang sitsit ay para sa aso, ang Para ay para sa tao
- Pull the String to Stop.
Ginawa ko ang blog post na ito upang maipakita ang malaking bahagi ng Jeep sa aking buhay at kulturang Pilipino. Sana ay patuloy nating sakyan ang mga dyip upang maikwento natin sa ating susunod na henerasyon ang ilang mga kwentong dyip tulad nito:
- Sumiksik sa dyip. Ikaw ang pangSampu pero siyaman lang pala ang upuan.
- Malaglag sa pagkakahawak sa hawakang bakal
sa itaas na bahagi ng dyipupang di mahulog dahil nakatulog. - May makatabing merong malakas na anghit o putok.
- Malaslasan ng bulsa at mahold up.
Ikwento na lang kahit wag na mangyari. - Sumabit sa estribo, Feeling pogi.
- Magabot ng bayad at sukli.
- Magtapon ng kalat sa maliit na basurahan sa gitnang unahan ng dyip.
- Kumatok bilang senyales na bababa.
- Sumigaw ng PARA - nangangahulugang hinto
- At hilain ang kawad para sumenyas nang pagbaba. Pull the string to stop daw.
Sunday, August 28, 2011
Maikli ang Long Weekend ko!
Sigurado akong laman ng ibat-ibang facebook status at twitter tweets ang topic na LONG WEEKEND.
Alam ko din na halos lahat ay masaya para sa bakasyon na ito ngunit hindi ako. Dahil sa 4 na araw na bakasyon sana, ay 3 araw may pasok ako.
Nagkataong sabado ang gaganaping Post Graduate Course ng St. Lukes Medical Center. Doon ay mayroong exhibit ang aking kumpanya bilang sponsor at ako ang kailangang magtao. Ang araw ng linggo naman ay para sa service, halos 3 oras ng aking umaga ay sa simbahan at 3 oras din sa gabi. Umaattend kasi ako ng isang workshop sa ibat-ibang paraan ng panalangin.
Ang pinakamasakit sa akin ay ang araw ng Lunes at Martes. Sa holidays na ito, ay magkakaroon ng product training ang aming dibisyon. Ang magtuturo ay mula sa bansang Japan na siyang principal ng aming kumpanya. Sa dinami-dami ng mga araw na pwede silang bumisita dito ay nagkataon pa na sa araw ng holidays.
Sabi nila, kapag pumasok ka ng holiday ay double pay, pero hindi sa kumpanya namin. Offset na lang daw ang dalawang araw na ipapasok namin sa mga regular na araw. Ganyan talaga ang buhay sales at medrep.

Hagupit ng Lamok
http://mediworldrkr.blogspot.com/ |
Ang magandang balita ay, ang ating gobyerno at filipino scientists ay nagtutulungan sa pagtuklas ng vaccine at ibang devices upang makontrol ang pagdami ng Aedes Aegypti, ang lamok na nagdadala ng sakit. Sa kasalukuyan, Ang Research Institute of Tropical Medicine, ay nagsaasaliksik at nagsusubok ng mga bakuna na inaasahang may epektibong resulta. Ito ay nangangailangan pa ng masusing pagaaral at maaaring maging available sa merkado pagkatapos ng 2 taon.
Ang DOH naman ay may natuklasang bagong strain ng Dengue sa Ilocos provinces at ang mga kababayan nating may mas maitim na balat ang karaniwang nagkakasakit mula dito.
Maliban sa patuloy na pagpapaalala ng ating gobyerno patungkol sa pagiwas sa sakit. Nais ko pong ipabatid sa inyo na simulan natin sa ating mga sarili ang pagiingat. Maaaring gumamit ng kulambo, insect repellents, at tiyaking malinis ang paligid lalo na ang mga bagay na maaaring maimpukan ng tubig na siyang binabahayan nang lamok.
Saturday, August 27, 2011
Sana Paggising Ko Bukas
Sana paggising ko bukas, may text si Cookie sa aking inbox
Sana paggising ko bukas, may mainit na tubig na akong pampaligo
Sana paggisingko bukas, plantsado na ang aking long sleeves at pants.
Sana paggising ko bukas, may nakahandang almusal.
Sana paggising ko bukas, may taxi na naghihintay sa baba ng bahay.
Sana paggising ko bukas, walang trapik papunta sa St. Lukes Global.
Sana paggising ko bukas, wala na ang bagyong Nina.
Sana paggising ko bukas, Good Vibes ang lahat at masaya.
Sana paggising ko bukas, may mga comments na sila..
Good night everyone!

Duwag o Matapang
Sabi nila ang mga Pilipino ay sadyang masiyahin. kahit pa naghihirap, maraming problema at walang kasiguraduhan sa pangaraw-araw na paamumuhay ay nakukuha pang tumawa at magpatawa.
Ang mahirap sa pagiging masiyahin at nagpapatawa ay tinatago nila ang kanilang tunay na nararamdaman. Nagpapatawa sila para malihis ang atensyon sa problema at kung minsan ay sinasadyang magpakasaya. Pero ang higit na mahirap ay kung kailan mo malalamang sila ay seryoso na pala.
Ang totoo, karamihan sa kanila ay nagpapatawa para hindi mahalatang malungkot din sila. Tinatago ang pangamba at pagaalala.
Sa inyong palagay, ang mga taong ito ay duwag ba o matapang? Duwag dahil ayaw nila ipakita ang kanilang tunay na nararamdaman o matapang dahil kaya nilang itago ang sakit na kanilang dala-dala?

Friday, August 26, 2011
PPJ: Race to Ferrari World Promo
"Hop on the Cars 2 craze and we'll give you a joyride to the world's largest indoor theme park! Just watch Cars 2 at the Newport Cinema. Every ticket entitles you to one raffle stub. Watch in 3D and you'll get two raffle stubs. Every raffle stub you get gives you the chance to win Etihad Airways roundtrip tickets for four (4) to Abu Dhabi's Ferrari World. You and three (3) of your family members can experience the 20 Ferrari-inspired rides and attractions at this multi-sensory theme park.
So buy your Cars 2 tickets at the Newport Cinemas now and join the race to Ferrari Wolrd for that once in a lifetime ride!
Promo period is from August 24 to September 6. Per DTI-NCR permit no. A1-0367 series of 2011."
Kung Naging Ate si Kuya Keith?
Minsan, naisip kong maging babae. Hindi dahil sa nababading ako o di kaya'y gusto kong maranasan magka-monthly period at magbuntis. Kundi dahil nais kong malaman ang kanilang mga nararamdaman. Kung paano sila magselos? Kung paano magtampo at magalit? Kung kailan sila nagiging masaya? Kung kailan sila nagiging malungkot? Kung paano at saan sila kinikilig? Sa ganun paraan, ay mas maiintindihan ko sila. At mas magagawa kong maging isang mabuting lalake para sa kanila.
Pinoy sa Labas ng Pinas
"Isang masakit na katotohanan:
Ang PINOY pagwala sa PINAS ay may DISIPLINA..
Kung pwede ko lang ilipat ang buong PILIPINAS sa ibang bansa. "
Kung pwede ko lang ilipat ang buong PILIPINAS sa ibang bansa. "
-Kuya Keith
Kasya naman ang pinas sa Amerika di ba?
Kasya naman ang pinas sa Amerika di ba?
Si Jollibee sa Glee Season 1 & 2
Hanapin si Jollibee sa Video na ito:
Glee Season 1 Ep. 19
Source:http://www.youtube.com/watch?v=SG4WOUB3wB4&feature=youtu.be
Ito pa, mula naman sa Glee Season 2 Ep. 18
nahanap ni Gia Lalu mula sa facebook.com
E ito kaya? Pang-GLEE din ba?
Source: http://www.youtube.com/watch?v=zI2RGhf6QeY
Thursday, August 25, 2011
Long Distance Relationship
Para sa mga nagmamahal nang taong malayo sa kanila..
source: http://boldloft.com/osc/long_distance_love_home.php |
Ang Long Distance Relationship ay sadyang napakahirap.
Sinusubok nito kung gaano katatag ang inyong pagmamahalan.
Kung gaano kayang magtiis ng inyong puso at isipan.
Siya nga ba ay karapat-dapat sa iyong paghihintay?
Siya nga ba ay karapat-dapat sa iyong pagmamahal?
Kinalimutan ang katotohanang kayo ay di nagkikita,
Maaaring ilang araw, linggo, buwan o taon.
Kinalimutan ang katotohanang kayo ay malayo sa isat-isa
Kayang gawin ang lahat makita mo lang siya.
Kahit tawirin pa ang mga bundok at karagatan.
Torpe
Si Marcelo Santos III ay isa sa aking mga paboritong manunulat. Simple at realistiko ang kanyang mga likha. Kadalasan ito ay kwento ng pag-ibig na nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa. Ito ay nilalahad niya sa pamamagitan ng mga videos. Sana ay magustuhan ninyo ang isa sa kanyang mga likha na aking nais ibahagi.
Tuesday, August 23, 2011
Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool 4
"Ang LOVE parang RICO,
minsan BLANCO,
minsan naman PUNO,
pero minsan din..
di mo alam YAN na pala."
- Kuya Kool
Si kuya Kool po ang aking nakababatang kapatid. Ito ang mga post n'ya sa kanyang Facebook account. Nais ko lamang ibahagi sa lahat, hindi para pagtawanan. Ngunit para maalala natin, na simple at masaya ang buhay. Ang bawat mensahe, kahit papaano ay nakapagbibigay ng aral.
PPJ: 7-Eleven Sulit Combo Hi-Tech Papremyo!
Si Kuya Keith ay isang PPJ - Professional Promo Joiner. Ang PPJ ay ang mga taong ginagawang profession ang pagsali sa mga promos ng ibat-ibang kuumpanyang pangkonsumer. Upang maibahagi sa inyo ang aking kahiligan dito ay magpopost ako ng ilan sa mga promo na sinasalihan ko. Lahat ito ay sisimulan ko sa mga letrang PPJ upang mabilis ninyo itong makita.
Promo Mechanics:
- Bumili ng Big Bite Jumbo Hotdog at Coke 500ml upang makakuha ng isang raffle coupon.
- Sa bawat Bigbite at Coke 500 ml Combo ay makakakuha nang P10.00 discount.
- Ang promo ay tatakbo mula August 20 hanggang September 20, 2011
- Maaaring Manalo ng isa sa 12 Samsung Galaxy Tab P1010 o 12 Techno Marine Cruise Sports Watch
Kung kayo ay mahilig sa ibat-ibang hi-tech gadget tulad ng Samsung Galaxy Tab, ang papremyong ito ay para sa inyo. Madali lang sumali at siguradong makakatipid pa.
Bahala Na Attitude at Ang Kanta ni Doris Day
Gusto kong ibahagi sa inyo ang pinaka ayokong kantang narinig ko. Ito rin daw ay ayaw ni Bo Sanchez na idolo ko.
Ito ang Lyrics:
Que Sera Sera
(Doris Day)
When I was just a little girl
I asked my mother, what will I be
Will I be pretty, will I be rich
Here's what she said to me.
Que Sera, Sera,
Whatever will be, will be
The future's not ours, to see
Que Sera, Sera
What will be, will be.
When I was young, I fell in love
I asked my sweetheart what lies ahead
Will we have rainbows, day after day
Here's what my sweetheart said.
Que Sera, Sera,
Whatever will be, will be
The future's not ours, to see
Que Sera, Sera
What will be, will be.
Now I have children of my own
They ask their mother, what will I be
Will I be handsome, will I be rich
I tell them tenderly.
Que Sera, Sera,
Whatever will be, will be
The future's not ours, to see
Que Sera, Sera
What will be, will be.
Ang kantang ito ay nagpapakita nang Bahala na Attitude nating mga Pilipino. Kung gusto nating yumaman at umunlad, gumawa ng paraan para umunlad! Hindi:
Que Sera, Sera,
Whatever will be, will be
The future's not ours, to see
Que Sera, Sera
What will be, will be.
Kung gusto natin makamit ang mga pangarap natin, edi magsikap. Hindi:
Que Sera, Sera,
Whatever will be, will be
The future's not ours, to see
Que Sera, Sera
What will be, will be.
Ito pa ang ilang halimbawa ng Bahala Na attitude natin.
- Nagaral ka na ba para sa exam bukas? ~ Bahala na!
- Nabayarann mo na ba ang kuryente at tubig? Baka maputulan tayo. ~ Bahala na!
- Nagpractice ka ba para championship game? ~ Bahala na!
- Magpapaalam pa ba ako kay nanay at tatay? ~ Bahala na!
- Nagawa mo na ba ang reports na hinihingi ni Boss? ~ Bahala na!
Nakakalungkot isipin pero ginagawa natin. Aminado ako, na kahit ako. Nakanta ko na rin ang Que Sera Sera sa mga naging problema ko. Ngunit dahil sa aking layunin na mapaunlad ang aking sarili. Magsisikap akong kalimutan ang kantang ito. At sana sa mga makakabasa nito, samahan ninyo po ako.
UFO daw oh..
Isang nakakatuwang usapan mula sa medical mission namin kanina kasama si Boss at si Doc Jed.
Habang nagsusulat ay napansin ni Doc Jed ang relo ng aking Boss.
Doc Jed: Ganda nyan ha?
Boss: Di naman doc. May nagbigay lang.
Kuya Keith: Yes Doc, pamana yan. Rich kid e.
Doc Jed: Galing sa GF mo?
Boss: Di po doctor. May nagdonate lang na kamag-anak (habang inaabot ang relo kay Doc Jed para makilatis)
Doc Jed: Ganda ha. Mabigat yata? Di ka nangangalay?
Boss: Di naman po Doc. Gawa po yan sa Tungsten kaya mabigat
Kuya Keith: Sir, di ba yun ang metal na ginagamit sa paggawa ng eroplano? (nagtanong para may talking point naman ako sa kanila)
Boss: Oo, yun ang ginagamit ng NASA sa paggawa ng UFO.
:) UFO daw oh. Nagulat talaga ako dun kanina. Di ko nalang pinahalata, nakakahiya kasi sa boss ko.
Siguro ang nasa isip ni boss Aircraft ng NASA.
Akala ko may alam na sya about UFO.
Kung ibenta ko kaya siya sa gobyerno, ikakayaman ko kaya?
Monday, August 22, 2011
Kwento: Nasaan si Maria Clara ng ating Panahon?
Hindi ko akalain na makakapasok ako sa lugar na iyon. Madilim, mausok, magulo at maingay.
Matapos bigyan ng parangal sa mahusay ng pagbebbenta ng aming produkto. Kasama ang aking mga katrabaho ay dinala kami ng aming mga boss sa isang bar sa Roxas Blvd. Doon daw kami ay magsasaya at magiinuman. Sinabi nila sa amin, doon daw ay may nagsasayaw nang nakahubad. Kitang kita ko sa mukha ni Joyce at Ellen ang kaba ng bumaba sila sa sasakyan. Naka-Cocktail dress kasi sila dahil sa yun ang tema ng awards night. Ibinigay ko ay Ellen ang jacket ko upang maitago ang kanyang suot na sleeveless gown. Natatakot ako na baka mabastos ang dalawa sa lugar na iyon.
Dinala kami ng waiter sa lamesang malapit sa enntablado. May mga babaeng naka gown din at parang mga modelang rumarampa. Kitang kita ang makikinis na mga balat na parang sa mga mayaman. Mali yata ako pagkakaintindi sa lugar na iyon sa ganun pagkakataon, akala ko ay may mga babaeng naghuhubad at nagsasayaw.
Tumunog ang serena mula sa stage. Akala ko ay may sunog o emergency. Isa-isa nang naglalabasan ang babaeng kanina'y magaganda ang mga damit. Wala na itong mga saplot at sumasayaw na walang emosyon. Kitang-kita ko ang hiya ng mga babae habang sumasayaw. Pare-pareho ang itsura ng mga mukha nito, malungkot at mukhang nahihirapan.
Pansamantala akong napatiitig sa mga katawang nagsasayawan. Iba-iba pala ang mga itsura ng mga parte ng katawan ng babae. May mga boobs na matataas at mabababa. May malaki at meron ding maliit. May nipple na pink at meron ding mas maitim. Tunay na lalaki nga ako, pansamantala kong nakalimutang kasama namin si Joyce at Ellen.
Lumingon ako sa kaliwa. Nakita ko si Ellen na natatawa. Bumulong ito sa akin, bakit daw maitim ang pwet ng isa. May eyebbag daw. Sa aking kanan naman ay nakaupo si Joyce, malungkot ito at di makatingin sa entablado. Sa halip ay naglaro na lang ng Angry Birds sa dala nitong iTouch.
Natapos ang palabas at kami ay niyayang umuwi. Akala ko ay maeenjoy ko ang lugar na iyon ngunit hindi pala. Umuwi akong mabigat ang aking kalooban. Bigla ko tuloy naalala ang dalawang importanntenng babae sa buhay ko. Ang aking ina at si Cookie. Matapos ang pangyayaring iyon, ay nangako ako sa aking sarili. Mula ngayon, Ako, si Kuya Keith, ay rerespeto at gagalang sa kababaihang Pilipino.
Source: http://digitalphotographer.com.ph/forum/showthread.php?p=1002916 |

Sunday, August 21, 2011
Barya para sa Bayan
Kasabay sa pagbuo ng blog na ito ay ang layunin kong buhayin ang lahing kayumanggi. Nais kong ibalik ng bawat Pilipino ang kanilang Pagmamalaki bilang tao at dignidad bilang isang indibidwal.
Upang simulan, Nais kong manawagan sa bawat mambabasa na tumugan sa panawagan ng Banko Sentral ng Pilipinas. Nitong mga nakaraang araw, lumabas ang mga balita sa dyaryo at telebisyon na nauubos na ang ating mga barya. Ito ay sa mga sumusuunod na kadahilalan:
- Pagiimpok ng mga barya sa alkansya na nakapagbabagal ng sirkulasyo nito.
- Nasisirang barya, mga naagkakabutas at nayuyupi dahil sa di wastong pagggamit.
- Paggamit ng mga barya sa paggawa ng mga singsing at iba pang alahas.
Ayon sa Banko Sentral, sa bawat baryang di nagagamit ay gumagastos ang pamahalaan ng Php 2.40. Sa makatuwid, makakatipid ang ating bansa ng milyon-milyong halaga kung mas maraming barya ang nagagamit at umiikot sa merkado.
Source:
Yahoo News: Authorities Urge Filipinos Stop Hoarding Coins
BOOM!!!
Ang pagpopost sa mga social network sites ay may nararapat na pagiingat.
(Advice mula kay Kuya Keith)
Ito ay post ng isa sa aking mga pinsan sa Facebook.com
Saturday, August 20, 2011
Ang Bagyong may Buhok
Ang tunay na mata ng bagyo ay brown hindi puti.
Nakuha mula sa facebook
* Ang larawang ito ay di pagmamayari ng Gusot Mayaman. Ang credit ay para sa kumuha at gumawa ng larawang ito mula sa facebook.com
Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool 3
"If I never met you, I wouldn't like you. If I
didn't like you I wouldn't love you. If I
didn't love you I wouldn't miss you, but I did, I do
and I will.MeNEhj" - Kuya Kool
Ang banat na ito ay para sa kay Jhen, kanyang GF noong panahoon na isinulat niya ito sa FB.
Si kuya Kool po ang aking nakababatang kapatid. Ito ang mga post n'ya sa kanyang Facebook account. Nais ko lamang ibahagi sa lahat, hindi para pagtawanan. Ngunit para maalala natin, na simple at masaya ang buhay. Ang bawat mensahe, kahit papaano ay nakapagbibigay ng aral.
Pampawala ng Problema
Inaalay ko ang video na ito para sa mga taong may malalaking problema.
Hangad ko na kayo ay mapangiti at mapatawa sa mga oras na ito.
Sana sa kahit saglit ay napasaya ko kayo.
Source: youtube
Thursday, August 18, 2011
Kwento: Paboritong Pelikula ni Doc Jed
“Huwag mong mababanggit ang pangalan ni Tess kay Bing mamaya”, paalala ni Doc Jed sa akin.
Nangako ako kay Doc Jed na isasama ko siya sa isang buffet restaurant pagkatapos ng aming medical mission. Tinanong niya ako kung pwedeng isama ang kanyang sekretarya at ang kanyang kasintahan na si Bing na susunduin pa namin sa tinitirahan nitong condominium. Pumayag ako kaya ipinaalala niya sa akin na huwag na huwag ko daw mababanggit ang pangalan ni Tess sa kanyang kasintahan.

Si Mama, Bumabanat din!
Habang nanood ng TV sa sala..
Keith: Mahal, ano ang English ng 'retoke'?
OTC: Hmmm.. Hindi ko po alam.Biglang may sumigaw mula sa kusina.
Inggit
"Ang inggit ay parang kanser. Meron itong tumor na patuloy lumalaki habang unti-unti kang pinapatay. Ito ay nagdudulot ng hiya sa sarili na siyang papatay sa iyong ispiritu. Hahayaan ka nitong gumawa ng mga bagay, hibang, masama, baliw, upang ikaw ay maging katanggap-tanggap." - Kuya Keith
Wednesday, August 17, 2011
Ang Kwento ni Kuya Kool
Si Kuya Kool ay ang aking nakakabatang kapatid. Siya ay matipuno at may kagwapuhan. Ang taas niya ay flat 6'. May katamtamang laki ng katawan. Hindi siya maputi at hindi rin siya maitim tulad ko. S'ya ang nagmana talaga kay papa.
Si Kuya Kool ay dalawampu't isang taong gulang na. Kasalukuuyang nag-aaral at merong kasintahan, Jessica ang pangalan. Si Jessica ay magandang bata. payat, tama lang ang tangkad para sa babaeng Pilipina. Kayumanggi ang kulay. Black Beauty sa madaling salita. Si Jessica ay matalino din. Tapos sa kolehiyo at kasalukuyang nagtratrabaho. Siya ay talagang matiyaga at mapagpasensya.
Apat na taon ang agwat namin ni Kuya Kool. Mas matanda ako kaya ako ang nagtuturo sa kanya sa eskwela noong mga bata pa kami. Hindi siya magaling sa klase pero may tiyaga naman...

Tuesday, August 16, 2011
Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool 2
Si kuya Kool po ang aking nakababatang kapatid. Ito ang mga post n'ya sa kanyang Facebook account. Nais ko lamang ibahagi sa lahat, hindi para pagtawanan. Ngunit para maalala natin, na simple at masaya ang buhay. Ang bawat mensahe, kahit papaano ay nakapagbibigay ng aral.
Baluktot na Pagiisip
"Walang mabuting pagbabago kahit ilang beses mo pang ituro ang tama sa mali at ipakita ang daan patungo sa tuwid na landas kung baluktot naman ang pag-iisip!" - Kuya Keith
Lipas ng Panahon
Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang 'Buwan ng Wika' Ito ay upang bigyan ng pagpapahalaga ang ating sariling wika. Ang wikang Filipino.
Maraming Pilipino ang tila nakalimot na sa tamang paggamit ng ating pambansang wika. Para bang ang Wika natin ay lipas na ng Panahon. Jejemon at Coñotics na daw ang uso ngayon.
Sa panahong ito, katangap-tangap na ang pagsasalita ng 'bilingual'. Ito ay ang kakayahan ng isang tao na
Monday, August 15, 2011
Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool 1
"Para tayong Plants vs Zombies...Kaw ang mga brains at ako ang mga plants..
Proprotektahan kita laban sa ma zombies na may masamang balak sayo!" -Kuya Kool
Si kuya Kool po ang aking nakababatang kapatid. Ito ang mga post n'ya sa kanyang Facebook account. Nais ko lamang ibahagi sa lahat, hindi para pagtawanan. Ngunit para maalala natin, na simple at masaya ang buhay. Ang bawat mensahe, kahit papaano ay nakapagbibigay ng aral.
Kwento: There is no place like home
Pagkababa ng telepono ay mabilis kong inayos ang aking mga gamit sa lamesa. 'Alis na po ako!' nagmamadaling paggpapalam sa aking boss. Tumayo ako sa aking lamesa. 6:00pm na pala, bitbit ang aking mga gamit ay kumaripas palabas ng opisina.
Ang daming taong naghihinntay sa elevator, nagkwekwentuhan at nagkukulitan. Ngunit kahit gaano pa kalakas ang mga boses ng mga taong ito, ay para akong nabibingi at walang marinig. Bumukas ang elevator.
Sunday, August 14, 2011
Walang Trabaho
"Kung nahihirapan kang humanap ng trabaho. Huwag mong sisihin ang paaralan mo, mga guro mo, ang mga magulang mo, ang gobyerno, ang presidente ng pilipinas at kung sino-sino pa kundi ang sarili mo. Kung nagsumikap ka lang nung nag-aaral ka pa, edi sana'y naging handa ka para makipagsabayan sa iba pang mga taong nagsikap at nagsipag nun sila ay nasa kolehiyo pa." - Kuya Keith
May Zombies sa Intramuros?
Sa Intramuros ay maraming nagkalat na Zombies
Dahil daw maraming may utak sa lugar na iyon.
Ngunit ako man na nag-aral sa PLM
Kailanman ay hindi naniwala.
Dahil sa aking pagkakatanto..
Hindi utak ang meron doon.
Kundi puso, sipag at hangarin,
Pangarap na makapagsuot ng polo o barong na
~GUSOT MAYAMAN~
*Ang larawan ay mula sa aking kaibigan sa facebook.
Saturday, August 13, 2011
Mañana Habit
"Ang Mañana Habit ay hinihinto NGAYON, hindi mamaya o bukas." - Kuya Keith
Mañana Habit: Filipino idiom na nangangahulugang 'mamaya na' o 'bukas na lang'
Kahulugan mula sa Answers.com:
Mañana (mä-nyä'na)
adv.
- Tomorrow.
- At an unspecified future time.
- An indefinite time in the future.
Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool
"Sana ang pag ibig parang sukli sa jeep
Pag nagbigai ka ng buo..
susuklian ka kahit papaanu! ^_^"
- kuya kool
- kuya kool
Sagwan at Apoy sa Bunganga ng Dragon!
Si 'One Tough Cookie'
Nakilala ko si 'One Tough Cookie' sa bundok ng mga Anito. Nakakapanlamig ang kanyang mga ngiti. Nagdadagdag init naman ang kanyang mga tawa. Wari'y di ko kayang timplahin ang pakiramdam. Para bang naglalaban ang init at lamig.
Sa lugar na iyon, ay di ko akalain makikilala ang babaeng mamahalin ko. Akala ko noon una ay di Siya ang tipo ko. Nangungulit at nagpapapansin. 'One Tough Cookie' daw sya.. ayaw papigil.
Sa lugar na iyon, ay di ko akalain makikilala ang babaeng mamahalin ko. Akala ko noon una ay di Siya ang tipo ko. Nangungulit at nagpapapansin. 'One Tough Cookie' daw sya.. ayaw papigil.
Habulin ng Plantsa
Maraming beses ko nang itinanong sa aking sarili kung kelan man naging pantay ba ang mayaman sa mahirap. Wari hanggang ngayon ay di ko malaman ang sagot sa tanong na iyan.
Ako po ay isang ahente, pharmaceutical representative, sa isang kilalang kumpanya ng mga gamot. kami po ang mga 'detailer' o mga tagapagpromote ng mga gamot upang ireseta ng mga doktor. Sa trabahong ito, madalas ay nagkakasabay-sabay kaming mga ahente sa paghihintay sa aming mga doktor upang sila ay makausap tungkol sa aming mga produkto. Kadalasan pa nga, habang naghihintay kami ay nagkakabiruan at nagkakakwentuhan.
Isang araw, nasalubong ko ang isang ahente mula sa isang multinasyonal na kompanya. Mukhang siyang mabango, at kay linis tignan. pero kapuna-puna ang kanyang damit na mukhang hindi naplantsa. Sabi ng isang medrep na babae ' GUSOT MAYAMAN' daw ang tawag dun. Ngunit nakakainis isipin na minsan ay may biniro sila ng isang ahente na 'BAKA HABULIN KA NG PLANTSA'. Dahil ba ang isang ahente na ito ay mula sa lokal na kumpanya, walang kotse at 'generic' daw ang gamot nya.
Kapag mayaman, Gusot mayaman. Pero kapag mahirap. Habulin ka ng plantsa.

Subscribe to:
Posts (Atom)