Sa ngalan ng pag-ibig, ano nga ba ang dapat pairalin? Ang puso o ang isip?
Maraming nagsasabi na kung ayaw mong masaktan sa pag-ibig, dapat ay gamitin ang isip.Pero pano mong matatawag na ito ay tunay na PAG-IBIG' kong ang pinagmulan nito ay ang isipan. Siguro dapat na lamang natin itong tawaging 'PAG-ISIP'.
"Love is Blind". Ito ang depinisyon ng mga taong nagmamahal gamit ang puso lamang. Hindi sukat ang pisikal na itsura, ugali, at tamang pagkakataon ng kanyang pag-ibig. Ang nararamdaman dito ay puro saya, excited makita at makausap ang minamahal. Gagawin ang lahat, makasama lamang ang taong itinitibok ng kanyang puso.
Pero pano nagiging mali ang "love is blind" o pagmamahal gamit ang puso lamang?
Masasabi mong mali na ang iyong pagmamahal kung nabubulag ka na sa pag-ibig. Mali ang pag-ibig kung nawawala na ang iyong pagiging rational. Kung nawawala na ang mga mabuting bagay na itinuro sa iyo ng inyong mga magulang o titser sa GMRC. :) Kung ang iyong pag-ibig ay magdudulot ng sakit o kasawian sa iba. Kung nasasaktan ka na ngunit tinitiis mo dahil ang taong nakakasakit sayo ay ang taong iyong iniibig. Halimbawa nito ay pag-ibig sa taong mayroon nang asawa. Dito dapat pumasok ang 'isip' sa pag-ibig.
Naniniwala akong sa pag-ibig dapat ay 50/50 ang puso at isip. Tamang ang puso mo ang magsabi kung sino ang iyong tunay na minamahal ngunit dapat din naman mag-isip kung tama ba ang iyong pagmamahal. Ang akin lang, sa ngalan ng pag-ibig, mahalin muna natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng paggamit ng pag-iisip sa pag-ibig.