Wednesday, May 16, 2012

Dumadaan Ka Ba Sa Matinding Pagsubok Ngayon?


Di ko alam kung ilang pagsubok na ang napagdaanan ko. Pagsubok sa buhay tulad ng sa pinansyal, sa pagibig, sa mga relasyon sa kaibigan, kamag-anak, pamilya at mga mahal sa buhay, sa oras, sa aking mga talento at sa pang-ispiritwal. Sa totoo lang, hindi ko talaga mabilang kung ilan na. Hindi ko na rin kayang isa-isahin pa sa dami.  At lalong di ko na rin alam kung ilan sa mga ito ang nalagpasan ko ng matagumpay o ilan sa mga ito ang bumigo sa akin.


Naikumpara ko pa nga ito, mga pagsubok, sa apoy. Mainit, masakit, nakakapaso. Pwede ka  nitong sirain at pwede ka rin nitong patibayin. Depende na lang kung paano mo ito panghahawakan.



Ang importante ay laging mong matandaan. 'Na ang apoy na tumunaw sa matamis na asukal ay siya rin tumunaw at nagpatigas sa matibay na bakal.'

Hiniram ang larawan sa: http://buildingthecontinuum.files.wordpress.com/2012/03/heart-on-fire.jpg

Sunday, May 13, 2012

Nabigay mo na ba ang 100% mo?

Maraming beses ko nang ibinigay ang aking 100% sa mga bagay na aking gagawin. Ngunit sa kada limang gawain na ipinagalayan ko ng aking 100% ay isa lang ang nagtatagumpay.

E kung ganun naman pala, eparang nakakapagod magbigay ng 100% no?  Kasi kahit ibigay mo pa ang 100% mo, alam mong hindi pa rin magiging 100% ang resulta ng ginawa mo.

Ngunit meron akong bagay na natutunan. Ang gawain, kapag ibinigay mo ang iyong buong makakaya, hindi man magtagumpay ay unti-unti naman nitong naaabot ang goals mo. Parang nong nagsimula akong mag-aral magdrive. Ibinigay ko naman ang 100% ko para matuto, pero sa loob ng isang araw ay sampung beses pa rin akong namamatayan ng makina. Ngunit hindi ako sumuko, ibinigay ko pa rin ang buong makakaya sa bawat subok kong magmaneho hanggang sa di  ko na namamalayan na hindi na ako tumitirik sa gitna nang kalsada. Hindi pa rin ako magaling mag-drive ngunit dahil nagbigay ako ng aking 100%, unti-unti akong gumagaling. Tumataas kasi ang standards natin kapag nabibigay natin ang lahat ng ating makakaya.

Gusto nyo ba malaman kung anong  resulta kung lagi nating ibibiigay ang 100% natin? Ito ang tinatawag na dedikasyon. Panoorin nyo  ang video ni Bruce Lee.

Ang video ay mula sa youtube.com
A 2009 Chinese commercial for Nokia.

Mga kaibigan, inaanayahan ko kayong ibigay ang 100% natin sa trabaho, pamilya, kaibigan, negosyo, pag-aaral at sa lahat ng bagay na gagawin natin.

Friday, May 11, 2012

Ang Bastos na Guro

Ang entradang ito ay mula sa facebook. Nais ko lang ibahagi ang isang simple at nakakatawang likha. Kung sino man ang gumawa nito, salamat! Tignan natin kung masasagot nyo rin ang huling 10 tanong tulad ni KULITS.

Isang mainit na biyernes sa aking mga kaibigan.

A SMART FILIPINO BOY

A Filipino boy was very sad in class.

The teacher asked, “KULITS what is your problem?”

… KULITS answered, “I’m too smart for the first-grade. My sister is in the third-grade and I’m smarter than she is!

I think I should be in the third-grade too!”

Teacher had enough. She took KULITS to the principal’s office.While KULITS waited in the outer office, the teacher explained to theprincipal what the situation was. The principal told the teacher hewould give the boy a test and if he failed to answer any of hisquestions he was to go back to the first-grade and behave.She agreed.KULITS was brought in and the conditions were explainedto him and he agreed to take the test.

Principal: What is 3 x 3?

KULITS: 9, maam!

Principal: What is 6 x 6?

KULITS: 36, maam!

And so it went with every question the principalthought a third-grade should know.

The principal looks at teacher and tells her,“I think KULITS can go to the third-grade. ”

Tuesday, May 8, 2012

Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool 13

"Ang pagmamahal ko sayo ay parang toyo sa adobo... Nanunuot hanggang buto" 
- Kuya Kool

***

Si kuya Kool po ang aking nakababatang kapatid. Ito ang mga post n'ya sa kanyang Facebook account. Nais ko lamang ibahagi sa lahat, hindi para pagtawanan. Ngunit para maalala natin, na simple at masaya ang buhay. Ang bawat mensahe, kahit papaano ay nakapagbibigay ng aral.

Blanko




Buti pa ang buko, may laman at sabaw. Ang isip ko, ngayon ay wala.



Lahat yata ng manunulat naranasan na ito.Yun tipong kahit anong piga pa ang gawin ko sa kokote ko e wala akong maisip na isulat. O kaya meron akong ideyang gustong ibahagi pero hindi ko alam kung paano sisimulan.

Ano nga ba ang dapat gawin kapag nararanasan ito?

Monday, May 7, 2012

Tamang Oras na Para Magmove-on.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kay Joyce sa pagkakataon na yun. Alam kong nasasaktan at nahihirapan s'ya sa kanyang sitwasyon. Kung di ba naman g*go itong si Mark. Sabihan ang kaibigan ko na kailangan n'ya nang oras para sa sarili at di kayang pagsabayin ang relasyon dahil sa mga bago niyang responsibilidad sa trabaho. Hindi na nga acceptable ang dahilan n'ya, nakita pa sya ni Joyce na nakikipagdate sa iba.

Hindi ako sanay na nakikitang malungkot si Joyce. Lagi niyang masayang ibinabahagi ang ilang mga kwento patungkol sa kanila ni Mark. Sa katunayan ay minsan lang lumabas si Joyce sa news feed ko sa facebook, at lahat nang status nito ay talagang nakakakilig, aminin ko na cheezy pa! Pero kaninang umaga ibang Joyce at status update ang mga nabasa ko. Puno ng galit, pagkasuklam at pait. 

Saturday, May 5, 2012

Sa Araw Na Ito


Siyam na taong nakalipas, naging makasaysayan ang Ika-5 ng Mayo sa bawat kabataang Pilipino. Ito ang unang araw ni San Chai sa Ying Te University sakay nang kanyang bulok na scooter habang ang F4 naman ay sakay ng mga magagarang sasakyan. Maraming umantabay sa buhay ni San Chai at F4 tuwing sasapit ang alas-4 ng hapon sa pamamagitan ng Meteor Garden.


***
Photo source: http://en.wikipedia.org/wiki/Meteor_Garden 

Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool 12

"Magka-away man tayo ngayon, alam naman natin sa isa't-isa na magkakabati rin tayo bukas. Yun ang tunay na pagmamahal." - Kuya Kool

***

Si kuya Kool po ang aking nakababatang kapatid. Ito ang mga post n'ya sa kanyang Facebook account. Nais ko lamang ibahagi sa lahat, hindi para pagtawanan. Ngunit para maalala natin, na simple at masaya ang buhay. Ang bawat mensahe, kahit papaano ay nakapagbibigay ng aral.

Pick-up Line daw

Ito ang isa sa mga banat ni Kuya Kool na talaga namang napatawa ako. Hindi ko akalaing bibitawan nya yun. :)  Dalawang oras ko ba naman kasing paghintayin sa paggamit ng kompyuter. :)


"Chicharon ka ba?", Kuya Kool

"Bakit?", Kuya Keith

"NakakaHIGH BLOOD ka kasi!", Kuya Kool

***

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...