Thursday, December 15, 2011

Subukin ang Iyong Sarili

Subukan mong sagutan ang bawat tanong sa iyong buong makakaya.

Unang Bahagi:
  1. Magbigay ng limang pangalan nang pinakamayamang tao sa mundo.
  2. Magbigay ng  limang pangalan nang nanalong best actor/actress sa bansa.
  3. Magbigay ng limang pangalan ng nanalo sa Binibining Pilipinas.
  4. Magbigay ng sampung pangalan ng atletang Pilipinong sikat sa mundo.
  5. Magbigay ng sampung taong nabigyan ng Nobel Prize.
  6. Magbigay ng limang taong nakilala sa Philippine Blog Awards.

Kamusta ang mga sagot mo?

Ang punto ay, hirap tayong alalahanin ang mga taong naging matagumpay sa kasaysayan. Sila ang mga pinakamagagaling sa kanilang mga larangan. Subalit ang palakpakan ay humihina. Ang mga awards ay nasisira. Ang mga nagawa ay di na maalala. Ang mga sertipiko ay nalimot na,  kasabay nang mga nagmamay-ari nito.

Ikalawang Bahagi: Subukan kung mas madali ito.

  1. Maglista ng mga guro mong nakatulong sa iyo upang makatapos ng pag-aaral.
  2. Maglista ng tatlong kaibigan na tumulong sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan.
  3. Maglista ng limang taong nagbigay sa iyo ng mabuting payo.
  4. Maglista ng mga taong ipinakita sa iyo na ikaw ay espesyal.
  5. Magbigay ng limang taong alam mong nasisiyahan kapag ikaw ay kasama.
  6. Magbigay ng tatlong bayaning Pilipino na ang mga istorya ng buhay nila ay naging inspirasyon mo.
Ang Aral: 

Ang mga taong nagbigay sa iyo ng mabuting pagbabago at aral ay ang mga taong walang masaydong awards, walang masyadong kayamanan, walang masyadong kredensyal. Sila ang mga taong tunay na nag-aalala, tunay na nababahala at tunay na may pakialam.

Wednesday, December 14, 2011

Simpleng Pasko




Sabi nila, ang mga Pilipino daw ang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko. Ipinagdiriwang ito sa buwan ng  mga BER. Subalit sa haba ng panahong ito, kailan at sa paano ba talaga natin ipinagdiriwang ang tunay na kahulugan ng Pasko?

Kung ang Pasko ay puno ng regalo, Christmas party, pamimili, gasgas na credit cards, pagkain, at trapik. Tama lang na maging disyembre na lang ito.

Ngunit kung ito naman ay puno ng Christmas bonus, pagmamahalan, pagtutulungan, pagbibigayan, at pag-alaala sa may Likha. Di ba't kay sarap maging pasko araw-araw?

Tuesday, December 13, 2011

Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool 11



'Pag may nagsabi sayo nang "I don't like you!"
Huwag mong damdamin..
Hilain mo ako at saka mo sabihin sa kanyang
"who cares?!" eto o si Kuya Kool, 
mahal na mahal ako!' -Kuya Kool



Si kuya Kool po ang aking nakababatang kapatid. Ito ang mga post n'ya sa kanyang Facebook account. Nais ko lamang ibahagi sa lahat, hindi para pagtawanan. Ngunit para maalala natin, na simple at masaya ang buhay. Ang bawat mensahe, kahit papaano ay nakapagbibigay ng aral.

Monday, December 12, 2011

Quarter-Life Crisis


Magaling siya ngunit ako ay biglang nalungkot dahil sa kanyang pag-awit. :(

25 taong gulang na ako nang makapunta sa Disneyland. Doon ay para akong isang bata muli. Para akong nakawala sa katawan ng isang binatang tutok sa trabaho at pagkayod para sa pamilya at pangarap. Doon ay sinubukan ko ang bawat rides. Di mapinta ang ngiti sa aking muka.

Ngunit ilang buwan makalipas ang isa sa pinakamagandang pangyayari sa aking buhay, disneyland trip, ay muli kong narinig ang kantang ito. Nalungkot ako sa hindi alam na kadahilaan. Quarter-llife Crisis na yata ito.

Nabawasan ang Aking Ipon Para sa Isang Ala-ala

Noong ilang buwan ay nailahad ko dito ang aking pangarap na makaipon ng isang milyon. Hindi ko pa man naaabot ang kalahati nito ay nabawasan na ang aking mga inipon.

Masyado akong nabigla sa paghawak ng malaking pera. Hindi ko alam kung paano ang wastong paggamit nito. Kaya nang nakita kong may Palawan trip sa isang group buying site, ay agad akong bumili para sa aking pamilya at kasintahan.

May nakapagsabi sa akin, na hindi ko maaabot ang milyon na pangarp ko kung ako ay gagastos sa ganitong mga bagay. Mga gastusin na mabilis lang mawawala o di lumalaki ang halaga sa paglaon ng panahoon. Pero naniniwala ako na ang pinakamagandang investment ay hindi mga bagay na magbibigay sa akin ng personal na kasiyahan. Ang pinakamagandang investment ay ang mga ALA-ALA. Experience at ala-ala na dadalhin ko na siyang nagiging inspirasyon ko upang lalong maabot ang aking mga pangarap.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...