Friday, October 21, 2011

Paliparan

Maraming beses na akong nakagamit ang ating airport lalo na ang bagong NAIA Terminal 3 at NAIA Terminal 2 dahil sa karamihan nang aking mga paglalakbay ay sa loob lamang nang ating bansa (domestic). Masasabi ko na maganda naman ang T3 natin na hindi natin ikakahiya. Ngunit sa unang beses kong dumaan at gumamit ng ating lumang terminal 1 ay sadyang nakakalungkot dahil sa ilang mga punto:
  • Madumi ang CR, walang tubig at mapanghi
  • Sira-sira ang mga ceiling
  • Madumi ang mga floorings at tiles 
  • Ang tagal at ang haba ng pila sa immigration, pero makakalusot ka rin naman kahit pa expired na passport mo.
  • Kung local ka, alam mo kung  sino sa mga kasama mo o tao sa paligid mo ang magnanakaw o snatchers.
  • Malaki ang singil sa terminal fee ngunit di kapansin-pansin ang mga improvements ng paliparan.
  • Kung manggagaling ka naman sa ibang bansa, kapnsin-pansin ang mga taong gustong-gustong tumulong sa pagbubuhat ng gamit mo. Akala mo mababait ngunit pagkatapos tumulong ay naniningil. Pangmirienda lang daw. 
  • Pati security guards na pagtatanungan mo naniningil din. Lalo't higit sa mga bisitang foreigner.
  • Ang gulo nang Arrival area. Doon  tumatambay ang mga guards na akala mo tumutulong pero nangaabuso lang.
  • Sa  Arrival area din, langhap mo na ang polusyon ng Metro Manila.
Marami man ang negatibo sa aking obserbasyon. May pag-asa pa rin ako para sa ating international airport terminals.

May international list din pala nang mga pinaka di-magandang airports at ang ating NAIA Terminal 1 ang nangunguna! Narito ang listahan sleepingairports.net 

Monday, October 10, 2011

Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool 10

"Hindi ako mayaman para bilhin ang kahapon pero handa akong utangin ang bukas makasama ka lang buong maghapon." - Kuya Kool

* * *
cheezy din ito ha.


Si kuya Kool po ang aking nakababatang kapatid. Ito ang mga post n'ya sa kanyang Facebook account. Nais ko lamang ibahagi sa lahat, hindi para pagtawanan. Ngunit para maalala natin, na simple at masaya ang buhay. Ang bawat mensahe, kahit papaano ay nakapagbibigay ng aral.

Friday, October 7, 2011

RIP Mr. Steve Jobs

Kailanman ay hindi ako nagkaroon ng iPod, iTouch, iPhone, iPad tablet, at Mac laptops. Ganunpaman, ay saludo at humahanga ako sa iyong mga ideya. Binago mo ang daigdig sa pamamagitan ng mga likhang produkto na iyong ibinahagi sa amin. Ikaw at ang iyong mansanas ay bahagi ng ating  kasaysayan.

larawan mula sa facebook.com
Bilang alaala ay bibili ako ngayon ng iTouch
Thank you Stave Jobs!

Thursday, October 6, 2011

Pagkilala sa Ating mga Pangalawang Magulang

Mula pa noong 1994 ay taon-taon natin ipinagdiriwang ang World Teacher's Day sa tuwing ika-5 ng Oktubre. Alam kong huli na ako para bumati at magbigay pugay sa aking mga naging guro pero hindi pa huli para magbigay kilala sa aking ina na isang guro sa Filipino at Panitikan.

Akala ko ay mayroon nang manliiligaw ang aking ina labing-tatlong (13) taon ang nakalipas ng pumanaw ang  aking tatay. Nagulat ako sa dami ng mga bulaklak at tsokolateng kanyang dala ngayong gabi. Laking pagtataka ko hanggang sa makita ko ang isang artikulo sa yahoo.ph.
---
Sa 25 taon kong pamumuhay, 18 taon doon ay ginugol ko sa paaralan. Maraming guro na rin  aking nakilala. Meron din akong mga naging paborito at meron ding hindi. May ibat-ibang istilo pa sila sa pagtuturo. Yun iba ay puro reporting, may mga puro exams, may mga dinadaan ang aralin sa mga kwento, may isa pa nga mga kwento patungkol  sa buriko (pony). Ngunit ang hinding-hindi ko malilimot ay ang aking mga gurong may kakaibang  linya.
I can SEE voices at the back! -sigaw ng isang guro ko sa kolehiyo.
E Kung saksakin na lang kita ng ballpen! - banat ng guro ko sa Aralin Panlipunan sa hayskul
Battle of the FETUS - sabi ng guro ko sa kolehiyo.
--- 
Sa aking mga guro, ako ay nagpapasalamat sa inyong mga naibahagi  sa aking buhay. Salamat sa inyong paghahanda ng aming mga naging aralin. Pagtyatyaga sa pagkocompute ng aming mga grades. Pagchecheck ng aming mga exams at pagtuturo ng mga kagandahang asal na mula sa inyong personal na buhay at di mababasa sa mga aklat.

Para sa aking ina, naniniwala akong ikaw ang pinakamagaling na gurong aking nakilala. 

Para sa mga naging at magiging estudyante ng aking ina, pasensya na kayo at limang taon na lang ay ipagdadamot  ko na ang aking nanay. Dahil limang taon mula ngayon ay nais ko nang magpahinga siya sa pagtuturo at bigyan ng masaganang buhay na puno ng magagandang alaala ng paglalakbay at pagbabakasyon.

Happy Teacher's Day!

Tuesday, October 4, 2011

Dapat Ipagkalat

When a thief forced you to take money from the ATM, do not argue or resist, you might not know what he or she might do to you. What you should do is to punch your PIN in the reverse...
Eg: If your PIN is 1234, you punch 4321.

The moment you punch in the reverse, the money will come out, but will be stuck into the machine half way out and it will alert the police without the notice of the thief.
Every ATM has it; It is specially made to signify danger and help. Not everyone is aware of this. SHARE THIS TO ALL YOUR FRIENDS


***
 Nakita ko lang sa facebook at sa palagay ko nararapat ipagkalat.



Nagbabalik

Naalala nyo pa ba ang listahan ng mga bagay na nais kong gawin? Ito ang dahilan kung bakit apat na araw akong hindi nakapag-blog. Bumisita ako sa Hong Kong! Yey! :)

Sa aking pagbisita ay  isinama ko si Cookie at ang aking mga kaopisina. May mga bagay na maganda at hindi sa Hong Kong at iyion ang aking gustong i-share sa inyo.

Magandang Karanasan: 
  • Malinis at maganda ang airpot. Halos walang pinagkaiba sa Terminal 3 nang NAIA.
  • Walang masyadong traffic, maliban lang sa mga 'rush hours'
  • Ang mga streets ay parang sa Pilipinas din, wala lang ang mga squat area. Ang mga tao ay nakatira sa nagtataasang tenement at condos.
  • madaling magcommute dahil sa MTR, Ferry at Bus
  • Meron silang octupos card. Ito ay prepaid cards na ginagamit sa halos lahat ng iyong kailangan bayaran. 7-eleven, mcdo, MTR tickets, Bus, Ferry, vending  machine at iba pa.]
  • Meron silang magandang theme parks. Disneyland at Ocean Park. Kung ano ang mas maganda? masasabi kong Ocean Park! 
Mga hindi maganda
  • Walang respeto ang mga tao sa kapwa. Pumasok kami sa isang resto na halos puno ng tao. Nakita nang server na 6 kami kaya hinanap nniya kami ng mauupuan. Nakakita siya ng isang matandang lalaki na nakaupo sa lamesang pang-animan. Kinuha niya ang pagkain ng lalaki nang walang paalam at inilipat sa mas maliit na upuan. Pagkatapos linisin ay doon daw kami uupo.
  • Inililigpit nila ang pagkain sa oras na mawalan ito ng laman. Parang pinapaalis na kayo.
  • Hindi lahat ay marrunong ng ingles, kung meron man ay hirap din ito sa pakikipagusap.
  • Meron silang kakaibang amoy na nakakairita,  hindi ito mabaho pero dahil hindi ako sanay ay nababahuan ako.
  • Hindi masarap ang kanilang pagkain para sa akin, mabuti na lang at may McDo sa HK.
  • Hindi rin  maganda ang reputasyon ng mga Pilipino sa HK. Maraming naiinis, malamang dahil sa tuwing linggo ay nagtitipon ang mga Pinoy sa  World Wide Center para tumambay sa mga kalsada at bridgewalk. Yun ibba ay naglalatag pa ng karton na parang nagpipicnic. Sobrang miss siguro nila kasi ang kanilang mga kapamilya kaya sa mga kasamahan nila sila kumukuha ng pagmamahal nang isang pamilya. 
  • Maraming pinay na prosti.
  • At Hindi rin totoong mura ang pamamasyal sa HK! :)





Ang Walang Sawang Banat ni Kuya Kool 9

"Paano mo makikita ang tamang tao para sa iyo kung patuloy mong ipinagsisiksikan ang sarili mo sa taong gusto mong makasama." - Kuya Kool

***
Hindi  ko nakuha ang gustong mensahe ni Kuya Kool. Nagdadalawang isip pa nga ako kung dapat ko pa itong ilagay sa post o hindi. Pero dahil namiss ko ang mga banat ni Kuya Kool ay di na ako nagpapigil pa. Tulungan ninyo na lang ako intindihin ang mensahe sa pamamagitan ng pagkomento.

Si kuya Kool po ang aking nakababatang kapatid. Ito ang mga post n'ya sa kanyang Facebook account. Nais ko lamang ibahagi sa lahat, hindi para pagtawanan. Ngunit para maalala natin, na simple at masaya ang buhay. Ang bawat mensahe, kahit papaano ay nakapagbibigay ng aral.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...